Patay muling nagbalik (2)

M

Bandera - - Front Page - Ni Leifbilly Begas

AY mga naniniwala na maaari p a r i n g makipag- ugnayan ang mga patay sa mga buhay.

Kapag namatay ang tao, ang pupuntahan ng kanyang kaluluwa ay sa langit o impiyerno, at may nagsasabi naman na sa purgatoryo.

Pero merong mga kaluluwa na nananatili umano sa lupa at nagagawang magpakita at makipag-usap sa buhay.

Ayon sa isinulat ni Estelle Thurtle sa ListVerse, mayroong mga ebidensya na nag papatunay na maaaring makipag- ugnayan ang mga sumakabilang buhay sa kanilang mga iniwan sa lupa.

Nasa inyo na kung maniniwala kayo o hindi.

Namatay ang misis ni Vinto Scarabello noong Agosto 2014 matapos ang ha los 64 n i lang pagsasama.

Madalas na dinadalaw ni Scarabello ang kanyang misis a t madalas ay tuwing Linggo.

Namimitas siya ng bulaklak sa kanilang hardin at dinadala ito sa puntod ng asawa. Kung minsan ay bumibili ito sa flower shop para may madala.

Napansin niya na ang mga iniiwan niyang bulaklak ay nagkukulay purple.

Kahit na ibang kulay ng bulaklak ang kanyang bilhin, nagkukulay purple ito sa kanyang pagbabalik.

Ang purple ang paboritong kulay ng kanyang misis.

Mayroong mga ibinigay na paliwanag ang mga bihasa sa bulaklak kung bakit ito nangyayari, pero para ka Scarabello ang kanyang misis ang may kagagawan ng pagkukulay purple ng mga bulaklak.

Natapos ng stage at screen actress na si Maureen Lipman ang autobiography ng kanyang mister matapos itong mamatay noong 2004. Lumabas din siya sa adaptation na Last Act ni Jack Rosenthal noong 2006.

Makalipas ang ilang taon, binasa ni Lipman ang nobela na isinulat ng kanyang anak na si Adam. Unang chapter pa lamang ay tinuligsa na niya ito. Nasa nobela ang karakter ni Enk.

Nagbigay ng payo si Lipman kung paaano ito maaayos ng kanyang anak upang gumanda ang pagkakasulat ng kuwento.

Hindi nagtagal, mayroong natanggap na mensahe si Lipman sa kanyang cellphone. Gal- ing ito sa kanyang mister at ang sabi ay “The lad’s done well—Enk.”

Naniniwala si Lipman na ipinadala ng kanyang mister ang mensahe upang maging mahinahon siya sa pagtuligsa sa gawa ng kanilang anak.

Namatay sa sakit na kanser ang anim na taong gulang na anak na babae ni Amanda noong 2013.

Hindi na nakilala ni Aza l e e ang l a l a k i na pinakasalan nito noong 2015.

Nais ni Amanda na makasama ang alaala ng kanyang anak sa kanilang kasal kaya kinausap niya ang photographer na isama ang imahe ni Azalee sa kanilang wedding picture.

Gusto rin ni Amanda na magpakawala ng mga paroparo bilang alaala ng kanyang anak.

Nagl i p a ran a n g m g a paroparo maliban sa i s a na dumapo sa damit ni Amanda.

Naluha ang mag-asawa at ang k a n i l a n g mga bisita.

Naniniwala si Amanda na ang paroparo ay senyales na mula sa bata na nagsasabi na masaya ito sa muling pagaasawa ng kanyang ina.

Para sa mga dog lover, hindi lamang pet ang kanilang mga alaga. Ang turing nila sa mga ito ay bahagi ng kanilang pamilya.

Ganito ang nararam- daman ng pamilya Callaghan sa kanilang alaga na si Bandit, isang rescue dog.

Maraming sakit si Bandit at sumailalim ito sa ilang operasyon para mabuhay pero namatay din ito.

Si Bandit ay 15 taong gulang ng mamatay at isang malaking kawalan ang kanyang pagkamatay.

Dalawang araw makalipas, lumabas si Catie Callaghan at nakita ang inuman ng aso.

Nang y umuko siya upang kun in ang paglagyan, nakita niya na nagpormang smiley ang tubig.

Naniniwala si Catie na iyon ay mensahe ni Bandit para sa kanila, na nagsasabi na siya ay nasa maayos na kalagayan at walang dapat na ipagalala ang pamilya.

Namatay sanhi ng brain tumor at apat na taong gulang na si Jack Robinson noong 2014.

Iniwan niya ang kanyang mga magulang, kambal na kapatid na lalaki at tatlong kapatid na babae.

Madalas na binibisita ni Marie ang kanyang puntod pero mayroong kakaibang nangyari sa kanyang pagdalaw noong Abril 1, 2017, ang anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Malu n g ko t ma n , hiniling ni Marie sa bata na magbigay ito ng mensahe upang malaman kung nasa maayos itong kalagayan.

Habang nakaupo sa puntod, isang robin ang biglang bumaba at dumapo sa paanan ni Marie.

Lumipad ang ibon at dumapo sa isang lapida, mu l a ro on a y pinanonood n i to si Marie.

Inilabas niya ang cellphone upang kuhanan ng robin. Laking gulat ni Marie ng lumipad pabalik sa kanya ang ibon at tumuntong sa kanyang kamay. Pumunta rin ito sa kanyang balikat.

Ang robin ay iniuugnay sa kamatayan, at sa mga alamat ang ibon na ito ay ginagamit na simbolo ng namayapa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.