REGINE APEKTADO PA RIN SA BASHERS: LALO NA PAG DINAMAY NA PAMILYA KO! ‘Baliw ang nagsasabing laos na ang Songbird!’

Suklay Diva hahataw sa US concert tour ni Gary V

Bandera - - Front Page - K ATRIINA VELARDE

OKAY lang kay Asia’s Songbird Regine Velasquez kung inookray at nilalait siya ng bashers sa social media. Pero tao lang daw siya na nasasaktan lalo na kapag below the belt na ang mga tira sa kanya.

At mas lalo raw siyang apektado kapag dinadamay na pati ang pamilya niya.

Sa nakaraang presscon ng bagong fantaserye ng GMA na Mulawin vs Ravena kung saan may malaking role ang misis ni Ogie Alcasid, nasasaktan siya kapag ang tinitira na ng mga netizen ay ang kanyang asawa at anak.

“Yes, nahe-hurt pa rin ako. I’ve been here like hundred years, pero I still get affected, tao lang din naman tayo. Sometimes kasi, people think na we’re so sanay na sanay, na kahit anong ibato mo, immune na. It’s not true.

“Especially with social media, kasi they’re ordinary people trying to somehow criticize you and judge you. Walang basis. Ang basis lang nila, picture. Tapos sobrang personal na ang banat nila. At ang problema pa, they’re nameless, they’re faceless,” chika pa ni Regine.

Paminsan-minsan ay sinasagot din nin Regine ang mga bashers, lalo na kapag ang binabanatan na ng mga ito ay ang anak na si Nate at ang anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na si Leila na kasalukuyang nasa bansa ngayon at naninirahan sa kanila, "Naaapektuhan ako ako kapag pamilya ko na, when it’s my children, when it’s my husband."

Natatawa na nga lang daw siya kapag tinatawag siyang matanda at laos ng mga bashers. Aniya, "E, totoo namang matanda na ang lola n’yo. Yung iba sabi laos na raw, pero ang mahalaga kasi, nandito pa rin tayo, nageenjoy pa rin ako sa ginagawa ko."

Kasama si Regine sa Mulawin vs Ravena, gagampanan niya ang karakter ni Sandawa, the goddess of nature na siyang magiging ina ng apat na tagapangalaga ng kalikasan. Bukod pa riyan, hataw pa rin sa rating ang dalawa niyang showsaGMA, ang FullHouse Tonight at Sarap Diva. Kaya baliw lang ang nagsasabi na laos na ang Songbird.

Maganda ang pasok ng taong 2017 para kay Suklay Diva Katrina Velarde.

Binuksan ni Katrina ang taon sa pamamagitan ng mega viral hit sa kanyang standout performance sa Wish 107.5 kung saan inawit niya ang “Go The Di stance” ni Michael Bolton, ang theme song ng 1997 Disney movie na "Hercules."

Ang naturang live performance ni Katrina, na naganap sa sikat na "The Roadshow" ni DJ Robin Nievera, ay in-upload sa opsiyal YouTube channel ng istasyon kung saan makakuha na ito ng mahigit tatlong million viewswith more than 5,000 online comments at engagements.

“Sobra po akong thankful sa lahat ng nag-viewat nabigay ng magagandang comments,” sabi ni Katrina, na unang nakilala bilang vocal arranger at choreographer ng all-girl vocal group na AKA JAM mula sa unang season ng X-Factor Philippines at lalo pang nakilala noong tinawag na siyang Suklay Diva matapos mag-viral ang ilan sa kanyangmgavideos kung saan umaawit siya ng mga sikat na awitin gamit ang isang purple na suklay bilang microphone.

“Nagpapasalamat din po ako sa Wish FM for giving me the platform to showcase my craft as a singer. Talagang nakaka-overwhelm po talaga,” aniya pa.

Ngayon, bilang isang solo artist, nagkaroon ng back-toback jam-packed show si Katrina kasama ang kapwa biriterang si Dessa sa Historia Bar sa QuezonCity at naghahanda na sila sa isang repeat performance sa isang mas malaking venue.

Naging tampok na artist din siya sa Pop Variety Night ngMusic Hall kung saan nagperform din siya sa isang full house crowd.

Bahagi din si Katrina sa mga tampok na artists sa seasonfinaleng"GaryVPresents" concert franchise series ni Gary Valenciano kung saan paulitlit niyang pinahanga ang audience.

Isa rin si Katrina sa mga featured artists sa nalalapit na North American tour ni Gary V na magsisimula sa Mayo 27 sa M Resort, Las Vegas. Matapos n i t o pupunta naman sila sa Pechanga Resort And Casino sa Hunyo 3, with Kiana Valenciano; at sa Pasadena Civic Auditorium sa Hunyo 10, with Sam Concepcion and Kiana. Sa Hunyo 12 tatapusin naman ni Gary ang kanyang US tour sa isang solo performance naipagdiriwang ang Philippine Independence Day sa Salt Lake City, Utah.

Mapapanood pa rin si Katrina sa huling dalawang performances ng season finale ng "Gary V Presents" sa The Theatre, Solaire sa May 19 at 20. Ang proceeds nito ay mapupunta sa scholarship at diabetes programs ng Shining Light Foundation.

Para sa tiket, tumawag sa TicketWorld (891-9999) o bisitahin angwww. ticketworld.com.ph, o tumawag sa 0918-9212812 at 09175413389. TINUTUTUKAN ng isang premyadong director ang isang aktor na napag-iiwanan na ng co-stars niya sa isang soap.

Bago kasi ang role ng aktor para sa kanya na pawang pakyut ang mga unang ginawa sa kanyang past projects.

Unlike sa series niya ngayon na kailangan siyang pigain upang lumabas ang kakayahan niya sa mabibi- gat na eksena.

Kahit stiff ang dating ng aktor, hindi naman nadidismaya ang director. Hindi siya nakakatikim ng bulyaw at mura kay direk dahil mukhang natsa-challenge naman ito sa kanya.

Tuloy lang siya sa paggabay sa aktor nang sa gayon eh, mabigyan naman siya ng chance na mailabas ang kakayahan niya once mabigyan pa siya ng mas

Balik-bansa na ang pamilya Dantes – sina Dingdong, Marian at Zia – matapos ang 15 days na bakasyon sa Greece, Italy at Spain.

Most memorable kay Dong ang limang araw nilang pananatili sa Espanya dahil nandoon ang pamilya ni Yan Yan. Nagsilbi rin kasing reunion ‘yon ni Marian sa amang si Javier, pati na ang mga kapatid niya sa ama.

Eh, first time ring makita ni Lolo Javier si Zia kaya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.