Heart Enemies

Bandera - - Front Page -

Nanghihina pa si L a i l a , kinarga kaagad i to ni Dave. Lalabas na sila sa compound nina Nico.

Galit na nag-iwan ng tingin at salita si Dave kay Charlene.

“I swear, hindi ka na makakalapit pa sa asawa ko, Charlene! Hindi na mauulit na pagtangkaan mo siya nang masama!”

Nagdrama uli si Charlene. “Ano? Pareho kayo ni Nico, iniisip ninyong sinadya ko ‘yon?”

“I saw it, damn it! Itinulak mo siya!”

“Nagsinungaling ang mga mata mo! Hindi ko siya itinulak! Nagkabungguan kami at dahil madulas doon sa bahaging kinatatayuan niya, nahulog siya!”

“Hindi ako bulag!” Napasigaw si Dave, natigilan, napatingin kay Nico.

Napahiya siya sa pagka- insensitive niya sa kanyang bulag na kaibigan.

“I’m sorry, Nico. I didn’t mean to insult or hurt you. Pasensya na, we have to go. At kung gusto man kitang maka-bonding, Nico ... siguro susunduin na lang kita. And we can go to our house or just eat and have fun somewhere else.”

Nalungkot si Nico. “That’s fine. Pero ... dahil nga bulag ako, gusto kong makasiguro. Sino kaya sa inyo ni Charlene ang tama? Sabi mo, itinulak ni Charlene si Laila. Pero sabi niya, aksidente. Are you sure of what you saw? Dahil kung totoo ‘ yon, hindi ko patatawarin si Charlene. This might cause our marr i a g e . Parang ang hirap yatang makikisama pa sa isang asawang may criminal tendencies.”

Nagwala si Charlene. “So ... kayong tatlo laban sa akin? Talagang ganoon ang iniisip ninyo, papatayin ko si Laila? Ikaw lang ang nakakita, Dave sa gusto mong makita! Si Nico naman ay bulag nga so walang nakita! Pero ‘ yang s i L a i l a , kapag lumakas, tatanungin mo rin siya siyempre, Dave! At hindi ko alam kung ano ang isasagot ni Laila! Puwedeng sabihin niyang itinulak ko nga siya! Dahil iyon din ang sa tingin niya o pakiramdam niya! Kasi nga hindi ba kanina pa siya inis sa akin dahil p i n i p i l i t ko siyang manghiram ng bikini ko at mag-swimming?”

Hindi makasagot si Dave.

“Sige, panindigan mo na nga , Dave na masamang tao ang asawa ng best friend mo! Para masira na ang marriage namin, para magkahiwa lay kami! Para mawalan siya ng asawa na tanggap na tanggap siya kahit bulag siya! Para mawalan na ng kaisaisang taong mag-aalaga ang matalik mong kaibigan!” Napaisip si Dave. Ganoon nga ba ang gusto niyang mangyari?

Magkahiwalay sina Nico at Charlene at magiisa na lang ang kanyang best friend?

Pero ang nakita ng kanyang mga mata kanina ay talagang itinulak ni Charlene si Laila.

Natauhan na nang husto si Laila. “Dave? Ano ang nangyari?”

“Salamat at ayos ka na, Honey. Akala ko talaga I lost you. M-may nagtulak ba sa ‘yo? Tama ba ‘yung nakita ko na ... itinulak ka ni Charlene?”

Galit kaagad na sumabad si Charlene. “Sige, sabihin mong itinulak nga kita!Sabihin mo ‘yan at aalis na ako dito, iiwan ko na si Nico!”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.