PH KAMPEON SA SEABA Batang Gilas champion din

Bandera - - Front Page -

Fi n a l Standing s : Philippines ( 6- 0); Indonesia (5-1); Thailand (4-2); Malaysia (3-3); Singapore (2-4); Vietnam (15); Myanmar (0-6) TINALO ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 9764, para mawalis ang lahat ng nakalaban nito at tanghaling kampeon ng 2017 S E A BA Me n’ s Championship kagabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Gumawa ng 21 puntos at 10 rebounds si Andray Blatche para pangunahan ang P i l ip inas na nakakuha rin ng silya para sa 2017 FIBA Asia Cup sa Agosto 10-20 sa Lebanon at sa 2019 FIBA World Cup qualifying tournament na magsisimula sa Nobyembre.

Nagawang hawakan ng Indonesia ang tatlong puntos na abante sa iskor na 5-2 na pinakamalaking kalamangan ng isang koponan kontra sa Gilas.

Pero agad na naghulog ng 20-7 bomba ang Pilipinas upang makuha ang abante at hindi na lumingon pa.

Sa pagtatapos ng yugto ay lamang ang home team, 34-14.

Nagbanta pa ang mga Indons sa pagsisimula ng ikalawang yugto kung saan pinigilan nito ang Gilas sa dalawang puntos lamang sa loob ng limang minuto upang lumapit sa 2 1 - 3 6 . Su b a l i t n a g- p a k aw a l a n g tres si Blatche na nagpasimula s a 15- 9 atake upang makalamang ng 51-30 sa halftime break.

Ini uwi naman ng Thailand (1-2) ang tansong medalya sa pagpapalasap ng ikaapat nitong sunod na kabiguan sa Singapore, 73-67.

Nakuha ng Thailand ang ikatlong puwesto sa kartadang 4-2.

Nasungkit naman ng Malaysia ang ikaapat na puwesto matapos makuha ang ikatlong sunod na panalo kahapon kontra Myanmar, 96-71.

Si Liaw Chee Huei ang namuno para sa Malay- sians sa kinamada niyang 25 puntos mula sa 12-of13 field goal shooting. Humugot din siya ng pitong rebounds, limang assists at dalawang steals.

Nagtala naman ng double- double performance si Chin Zhi Shin na may 22 puntos at 13 rebounds.

Na s a ikalimang puwe s to naman ang Singapore na tinisod ang Vietnam, 73-60, kahapon para magtapos na may 2-4 baraha.

Si Delvin Goh ay may 15 puntos, 10 rebounds, apat na assists at dalawang blocks para sa Singapore. — Angelito Oredo HINDI napigilan ang Batang Gilas sa pagsungkit nito sa ikaapat na sunod na korona matapos apulahin ang lahat ng pagtatangka ng nakatapat na Malaysia bago itinala ang 83-62 panalo sa matira-matibay na kampeonato ng 2017 SEABA Under16 Championship sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtulong-tulong sina Kai Sotto, Recaredo Christian Calimag at Terrence John For tea sa paghulog ng 15 puntos bawat isa habang may tig13 si Raven John Cortez at John Liria para sa Batang Gilas na winalis ang lahat ng apat nitong laro para iuwi ang korona. Nagdagdag din si Sotto ng 12 rebounds a t apat na blocks.

Hu l i n g t i n a l o ng Batang Gilas ang Thailand, 113-46, upang tumuntong sa kampeonato bago nito ipinalasap ang tanging kabiguan sa torneo sa Malaysia.

Nahablot naman ng Thailand (1-2) ang tansong medalya sa pagpapalasap ng ikaapat nitong sunod na kabiguan sa Singapore, 73-67. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.