Ikaanim na panalo puntirya ng Beermen laban sa NLEX

Bandera - - Front Page -

Mga Laro Ngayon (Cuneta Astrodome) 4:15 p.m. San Miguel

Beer vs NLEX 7 p.m. Barangay Ginebra

vs Rain or Shine Team Standing s : Meralco (7-2); Star (7-2); San Miguel Beer ( 5- 1); Barangay Ginebra (5-1); TNT KaTropa (6-3); Alaska (4-3); Rain or Shine (4-4); Phoenix Petroleum (4-5); GlobalPort (3-6); Blackwater (2-7); Mahindra (2-7); NLEX (0-8) MAGBABALIK sa aksyon ngayon ang San Miguel Beer matapos ang dalawang linggong pahinga sa 2017 PBA Com- missioner’s Cup.

Makakasagupa ng koponan ni San Miguel Beer coach Leo Austria ang nangungulelat na NLEX umpisa alas-4:15 ng hapon sa Cuneta Astrodome.

G ay u n m a n , may pangamba si coach Austria na baka mangalawang ang laro ng mga Beermen ngayon lalo pa’t hindi sila gaanong nakapag-ensayo sa kanilang 14-araw na pahinga.

“We will be coming off a long break but we weren’t complete in those practices,” sabi ni Austria kahapon nang tumungo siya sa Smart Araneta Coliseum para manood ng laban sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa SEABA Championship.

“But we will be ready, as we have always been.”

Ang pader ng Beermen na si June Mar Fajardo ay naglaro para sa Gilas Pilipinas at may posibilidad na maglalaro siya sa laro ngayon kontra NLEX.

Ang San Miguel Beer ay kasalukuyang may 5-1 baraha at tabla sa Barangay Ginebra para sa pangatlong puwesto.

Nasa unahan nila ang Star Hotshots at Meralco Bolts na pawang may 7-2 kartada.

Pakay ng Beermen na magtapos sa top 2 spots sa pagtatapos ng elims para makakuha ng twice-tobeat advantage sa playoff round.

Bagaman wala pang naitatalang panalo ang Road Warriors ay ayaw pa ring magkumpiyansa ni Austria dahil aniya, ang NLEX “has nothing to lose and everything to gain.”

Isa pa, hindi puwedeng ismolin ang kakayahan ni coach Yeng Guiao kahit pa may 0-8 record ito.

Ibabandera rin ngayon ng NLEX sina Alex Mallari, JR Quinahan at Larry Fonacier na kani- lang nakuha sa mga trade noong isang linggo.

Sabi ni Austria, mga beterano ang mga ito at tiyak na makakatulong sila s a kampanya ng NLEX kung hindi man sa torneong ito ay sa susunod na conference.

“We need to finish in the top two. That’s the only goal right now,” sabi ni Austria.

Sa ikalawang laro ay tatangkain ng Barangay Ginebra na matuhog ang ikaanim na diretsong panalo sa pagsagupa nito sa nagdedepensang kampeong Rain or Shine alas-7 ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.