100 sultada ngayon sa World Pitmasters Finals

Bandera - - Front Page -

MAHIGIT 100 na dekalibreng labanan ang naghihintay ngayon sa bayang sabungero simula alas-12 ng tanghali para sa 4-cock finals para sa mga umiskor ng 2 hanggang 3.5 puntos matapos ang semifinals para sa pagpapatuloy ng 2017 World Pitmasters Cup 2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila, Pasay City matapos ang isang araw na pahinga kahapon.

Kasama sa mga grand finalists na magbabanggaan bukas ang 20 entries na mayroong 4, 4.5 at 5 puntos na pinangunahan ni Arman Santos (CAO Jade Red), ang nag-iisang dumagdag na wala pang talo matapos ang pangalawang araw ng semifinals. Sinundan siya ni Paolo Malvar (EP Roost- erville PTM) na may 4.5 puntos.

Ang mga dayuhang kalahok na sina Christian Staskow at Chris Castillo mula Hawaii at ang Noisy Boys ng Guam ay malakas pa rin ang laban para sa kampeonato na may tigapat na puntos bawat isa.

Ang malaking pasabong na ito ay nangyari sa pamumuno pa rin nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games and Amusements Board sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, a n g m a k a s ay s aya n g pasabong na ito ay hatid ng mga primerang sponsor na Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.