‘Superstars’ masisibak sa Philippine volleyball team

Bandera - - Front Page -

PINAHALAGAHAN ng national men’s at women’s coaching staff ang pagmamahal sa bansa at salitang “commitment” para magsilbi sa bayan kung kaya inaasahan na ilang tinaguriang “superstars” ang hindi mapapasama sa pambansang koponan na tuluyang ihahayag ang komposisyon ganap na alas-2 ng hapon ngayon sa Arellano Gym.

“Maraming kinonsidera sa pagdedesisyon,” sabi ng isang opisyal na tumangging pangalanan Huwebes ng umaga.

“Iyung iba kasi sobrang dami ng kontrata sa iba’t-ibang mga projects, tapos iyung iba naman, isang text lang o tawag para sabihin na hindi makakarating ay hindi pa rin magawa. So the coaching staff decided na iyung mga dedicated at willing isakripisyo ang kanilang panahon para sa bansa ang isama sa team,” sabi pa nito.

Naobserbahan mismo ang kakulangan sa isinagawa na fund-raising project para sa koponan na “Clash of Heroes” noong Lunes kung saan pagbabatayan mismo ng mga coaches para piliin ang pinal na l i s t a h a n ng bubuo sa men’s at women’s volleyball teams na isasabak nito sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.