NBA Conference Finals mapapanood sa ABS-CBN

Bandera - - Front Page -

PATULOY na mapapanood ng mas maraming Pilipino ang umiinit pang bakbakan sa NBA sa free TV coverage ng ABS-CBN sa NBA Conference Finals sa ABS-CBN channel 2 at S+A.

Ipapalabas ang Game 3 ng Western Conference Finals sa AT&T Center sa darating na Linggo (Mayo 21), live sa S+A ng alas-9 ng umaga, kung saan susubukang sumungkit ng panalo ng San Antonio Spurs sa kanilang serye laban sa Golden State Warriors.

Sa kanilang unang laro noong Lunes (Mayo 15), binura ngWarriors ang 25 puntos na kalamangan ng Spurs sa pangunguna ng reigning MVP na si Stephen Curry at dating MVP na si Kevin Durant habang wala sa court ang Spurs superstar na si Kawhi Leonard dahil sa ankle injury. Sa Game 2 (Mayo 17), tinambakan ng Warriors sa iskor na 136-100 ang Spurs na naglaro nang wala ang dalawang star players nito na sina Leonard at Tony Parker.

Mapapanood naman ang Game 4 sa Mayo 23, at kung kailanganin, mapapanood naman ang Game 5 hanggang 7 ng live sa S+A ng alas-9 ng umaga rin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.