Shabu factory nadiskubre sa minahan

Bandera - - Front Page -

NADISKUBRE ng mga otoridad ang mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu sa loob ng isang pribadong warehouse na matatagpuan sa pribadong minahan sa Tallungan Village, Aparri, Cagayan kamakalawa, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Naglalaman din ang warehouse sa compound ng Hua Xia Mining Corporation ng shabu pro- cessing apparatus at iba pang mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng mga pampasabog, ayon kay Laurefel Gabales, PDEA Cagayan Valley director.

Wala naman ang mga may-ari ng minahan na sina Lito Lim at Michael Tan nang isagawa ang raid ng mga ahente ng PDEA.

Idinagdag ni Gabales na posibleng isama ng PDEA sina Lim at Tan sa kakasuhan ng manufac- turing illegal drugs, na nakatakdang isampa ng PDEA sa Mayo 22.

Isinagawa ang raid alas-12:30 ng hapon ng pinagsamang miyembro mga ng PDEA, Cagayan p o l i ce at Philippine Army’s 17th Infantry Battalion.

“We are still completing an inventory of the seized chemicals and other items, which took us until Friday dawn to list all of them,” ayon pa kay Gabales. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.