5 utas sa drug raid sa Davao

Bandera - - Front Page -

PATAY ang lima katao at 21 iba pa ang nadakip sa serye ng drug raid sa Davao City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Senior Insp. Ma. Teresita Gaspan, Davao City police spokesperson, na inisyal pa lamang ang datos dahil patuloy ang isinasagawang raid ng mga otoridad.

Idinagdag ng opisyal na napatay ang mga suspek matapos makipagpalitan ng putok sa mga operatiba.

Aniya, nakumpiska rin ang 81 gramo ng shabu, anim na baril, at dalawang pampasabog.

Hindi naman pinangalanan ni Gaspan ang mga barangay kung saan isinasagawa ang mga raid.

May paliwanag si Senior Supt. Alexander Tagum, hepe ng Davao City police, kung bakit patuloy na namamayagpag ang droga sa Davao City sa kabila ng kampanya ni Pangulong Duterte.

“Evil men do not stop. We have to continuously fight them," ani Tagum. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.