Company president binoga, malubha

Bandera - - Front Page -

SUGATAN ang pangulo ng isang kompanya matapos na pagbabarilin habang papauwi sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Vladimir Tuazon, 42, pangulo ng Ultra Coat Paints and Coating Corp., at residente ng Don Enrique Heights, Brgy. Commonwealth. Ayon sa misis ng biktima na si Abigail, 42, siya at ang mister ay sakay ng Mitsubishi Montero alas12:25 ng umaga at binabagtas ang Commonwealth Ave., nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki na sakay ng hindi batid na kotse sa tapat ng Home Depot sa Brgy. Old Balara.

Sa kabila ng kany ang mga t ama ay nakapagmaneho ang biktima patungo sa General Malvar Hospital.

Nakuha ang mga pulis ng 11 basyo ng hindi batid na kalibre sa crime scene. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.