Isinumpa mula ulo hanggang paa (1)

M

Bandera - - Front Page - Ni Leifbilly Begas

AY mga tao na naniniwala na tumatalab ang sumpa. Ang iba naman ay ipinagkikibit- balikat lamang ito.

Kasing tanda kundi man mas matanda pa sa ating mga ninuno ang mga paniwala sa sumpa.

Kalimitan na ang nagbibigay ng sumpa ay ang mga tao na ginawan ng masama o sinaktan ng labis.

Ayon sa isinulat ni Derek K sa ListVerse, may mga sumpa na maituturing na malupit kaya talaga namang kawawa ang kanilang biktima.

Noong Hulyo 2012, inatake ang pinakamamahal na reyna ng Thailand na si Sirikit kaya hindi na siya muling lumabas sa publiko.

Normal naman siguro ang ganitong sitwasyon kung h i n d i d a h i l sa kuwento na isinumpa umano ang alahas na nakitang suot nito.

Ayon sa kuwento, noong 1989 ay pumunta ang isang Thai janitor sa palasyo ng Saudi royal family.

Nakapasok umano ang janitor sa kuwarto ni Prince Faisal at nakapagnakaw ng $20 milyong halaga ng alahas. Nagawa umano ng janitor na dalhin ang mga alahas sa Thailand sa pamamagitan ng pagpasok sa mga alahas sa isang vacuum cleaner.

Kasama sa mga alahas na nanakaw ay isang 50 carat gemstone na tinaguriang "Blue Diamond."

Inalerto ng Saudi police ang Thai police at naaresto ang magnanakaw. Pero naibenta na niya ang marami sa mga nanakaw na alahas.

Naibalik sa Saudi ang bahagi ng mga nanakaw na alahas pero hinaluan umano ito ng mga peke.

Kasama sa mga nawala ang Blue Diamond na ayon sa Thai police ay maaaring hindi naman talaga nadala sa Thailand. Sinasabing isinumpa ang Blue Diamond.

Ang unang biktima umano ng sumpa ay ang tatlong Saudi diplomat na naatasan na imbestigahan ang nakawan. Si l a ay pinaslang.

Ayon sa local media, isang asawa ng makapangyarihang tao sa Thailand ang nakitang nakasuot ng Blue Diamond o kahawig nito.

Ang pinakahuling nakitang nagsuot nito ay si Queen Sirikit. Iniugnay ang stroke ng reyna sa Blue Diamond.

Sinasabing mamalasin ang mga tao na nagsusuot sa Blue Diamond hangga’t hindi ito naibabalik sa may-ari.

Noong 1941, isang grupo ng anthropologist mula sa Soviet ang bumiyahe sa Uzbekistan. Inaprubahan ni Stalin ang k a n i l a n g misyon na hanapin ang libingan ni Tamerlane at kunin ang labi nito.

Si Tamerlane ay isang popular na warlord noong 14th century na kinikilalang national hero sa Uzbekistan.

Nalaman ito ng mga Muslim sa lugar at tinangka nilang pigilan ang mga anthropologist.

Nagbabala sila na kapag ginambala ang pagkakatulog ng warlord ay mayroong trahedya na mangyayari sa ikatlong araw.

Hindi pinaniwalaan ni Mikhail Gerasimov, ang lider ng mga anthropologist, ang babalang ito at nahukay nila ang labi ni Tamerlane noong Hunyo 19, 1941.

Sa labas ng kabaong ay nakasulat ang mga katagang: “When I rise from the dead, the world shall tremble.”

Makalipas ang tatlong araw, inilunsad ng Nazi Germany ang Operation Barbarossa at kanilang sinakop ang Soviet Union.

Kung nagkataon lang o nagkatotoo ang sumpa ay hindi natin alam. Ang maliwanag ay nagulo ang mundo.

May mga naniniwala na tumalab ang sumpa ni Tamerlane at siya ang nasa likod ng ginawang pagatake ng Nazi.

Nag- iba naman ang guhit ng palad ng Soviet sa Battle of Stalingrad.

Bago ang panalo ng Soviet ay ipinag-utos ni Stalin na ilibing ang kalansay ni Tamerlane sa Uzbekistan na ginamitan ng Islamic burial rites. Pinaniniwalaan na napawi na ang sumpa dahil sa pagbalik sa labi ni Tamerlane.

Nanalo man ang Soviet, nalagasan naman ang 7.5 milyong Russian sa gerang inilungsad ng Germany.

“If you disrespect Pele, she will kill you.”

Ito ang babala ni Professor Kame’eleihiwa ng University of Hawaii.

Kung alam lamang ito ni Timothy Murray ay malamang na hindi na siya lumipat sa Honolulu.

Masasabing masuwerte sa buhay si Murray pero naputol ito nang gambalain niya s i Pel e , ang Hawaiian goddess ng apoy at bulkan.

Isang araw binisita ni Timothy ang popular na Hawaii Volcanoes National Park. Natuwa siya sa mga itim na buhangin nito kaya naglagay siya sa bote ng tubig at iniuwi ito.

At dito na nagsimula ang kanyang kamalasan. Hiniwalayan s iya ng kanyang syota. Magpopropose na sana siya matapos ang limang taon nilang relasyon.

Hinuli siya ng Federal Bureau of Investigation dahil sa computer copyright infringement case.

Namatay d i n ang kanyang pet.

Ayon sa alamat, ang sinumang mag-alis ng volcanic rock at mga bagay sa bulkan ay makakatikim ng malas na dala ni goddess Pele. Ang turing umano ni Pe l e s a mga b a to at buhangin ay kanyang mga anak.

Ang Hawaii Volcanoes Nat iona l Park ay nakatatanggap ng mga packages na naglalaman ng mga bato, ipinadala pabalik ng mga turista na kumuha nito upang maputol na ang kanilang inaabot na malas.

Meron pang mga nagpapadala ng sulat at humihingi ng patawad kay Pele.

Maymga naniniwala sa Superman Curse. Pero hindi naman magpapahuli ang Spider-Man Curse.

Ito ay ang sumpa na sinasabing bumabalot sa musical na Spider-Man: Turn Off The Dark sa Broadway.

Ilang beses na k inansela ang pagpapalabas ng musical dahil sa serye ng mga pangyayari na ikinasugat ng ilang katao. Hindi nagtagal ay napansin ng media ang pangyayaring ito kaya kumalat ang tanong kung isinumpa ba ang musical play na ito.

Nagsimula ang lahat noong 2010 ng maaksidente ang isang aktor sa tangkang catapult stunt. Isang stunt man na dumoble ang nabalian ng dalawang kamay.

Tinamaan naman ng tali sa ulo ang isang aktres sa preview ng musical.

Pinalitan ang aktres pero ang pumalit sa kanya ay nagkaroon ng neck in- jury sa on stage battle scene.

At pinaka naging kontrobersyal naman ang pagkahulog ni Christopher Tierney mula sa taas na tatlong palapag. Grabe ang tinamo niyang pinsala, nabasag ang kanyang bungo at nabasag ang kanyang siko bukod pa sa mga nabaling t a dyang Ang pinakahuling aksidente ay nangyari noong Agosto 16, 2013 kung saan naipit ang paa ng isang dancer sa isang makina.

Sa kabuuan, limang aktor na ang nasugatan sa production at masuwerte a t w a l a p a n g namamatay— maliban na lamang kung isasama mo si Tony Adams, ang original producer na na-stroke at namatay.

Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ngitiian ka ng isang bata? Normal na reaksyon siguro na magsukli ka ng ngiti sa taong ngumiti sa iyo lalo na kung bata.

Pero hindi ganito ang reaksyon ni Muhammad. Ayon sa Sahih Muslim (Book 032, Number 6297), tumingin si Muhammad sa batang ngumiti sa kanya at sinabi: “May you not advance in years!”

Tumakbo papalayo ang batang umiiyak. Ipinaliwanag ni Muhammad na mayroon silang kasunduan ni Allah. Sinabi niya na isa siyang tao na maaaring uminit ang ulo.

Ang kasunduan umano nila ni Allah, kung may ro o n siyang i susumpang tao at sa huli ay mapatutunayang mali ito, sa langit ay pararangalan ni Allah ang taong ito.

Nais lamang umano ni Muhammad na ipakita na hindi dapat matakot ang mga tao na isinumpa kung wala naman silang ginawang mali— kahit pa ang nagsumpa sa kanila ay propeta ni Allah.

Hindi malinaw kung ano ang ibig sabihin ni Muhammad sa kanyang sinabi sa bata. Kung ibig bang sabihin nito ay mamatay ang bata, o hindi na i to aabot sa kanyang kaarawan.

Itutuloy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.