Politiko nangarnap

Bandera - - Front Page - SAGOT SA MAY 13 SAGOT SA MAY 13

HARARE, Z i m b a bwe—Isang politiko ang sumakay sa naka-display na pinakabagong modelo ng Ford Motor Company sa isang car show at kanya itong pinatakbo at itinakas. Siya ngayon ay nahaharap sa kasong car theft sa isang korte.

Base sa papel mula sa korte, inaresto ng pulis ang 38- taong- gulang na si Aaron Muzungu, isang opisyal ng humiwalay na maliit na grupo ng oposis- yon, matapos niyang patakbuhin ng mahigit sa 800 milya (1,300 kilometro) ang bagong Ford Ranger.

Sinabi ng mga tagausig na sa kanyang depensa, sinabi ng politiko na interesado siyang bilhin ang pickup. Aniya, nang siya ay umupo rito nakalagay ang susi sa ignition.

Sinabi ng pulis na maluwag ang seguridad sa car show at ang mga lokal na ahente ng Ford ay abala sa pagpa-party. — AP NORTH CAROLINA, USA—Natanggal sa trabaho ang isang waitress makaraang umangal ito sa kanyang Facebook page hinggil sa nakuha niyang $5 tip mula sa mag-asawa na tatlong oras niyang pinagsilbihan.

Ayon sa waitress na si As h l e y Johnson, 22, lumagpas siya ng isang oras sa trabaho dahil sa pagsisilbi sa dalawa, subalit barya lang halos ang napala niyang tip sa mga ito.

Si Johnson ay waitress sa Brixx Pizza sa siyudad ng Charlotte.

Dahil sa pangyayari, nagsulat ito sa Facebook kung saan tinawag niyang “cheap” ang dalawang kostumer. Pinangalanan din niya ang restaurant.

Ma k a r a a n ang dalawang araw ay sinibak siya ng kanyang amo dahil nilabag umano niya ang polisiya ng kumpanya nang nagsalita siya laban sa makukunat niyang kostumer sa isang social media site.

Ani Johnson, humingi na s i y a ng t awad sa kanyang mga amo at ngayon ay naghahanap na siya ng bagong mapapasukan.

Kulong naman ang isang lalaki na taga-Bismarck, North Dakota makaraan niyang saksakin ang may-ari ng bar dahil sa lakas ng tugtog ng jukebox nito.

Nahaharap si John Wetzel, 23, sa kasong aggravated assault.

Ayon sa ulat, nagwala si Wetzel at nagbato ng ashtray nang tumanggi ang biktima na hinaan ang jukebox.

Nagpambuno ang dalawa bago binunot ng suspek ang kanyang dalang kutsilyo at sinaksak ang biktima.— AP PAHALANG 1 Actress na Bella 6 Actress/host na Aquino 9 Actress na Rosa 10 Actor na Vargas 11 President Joseph Estrada 12 Actor na Milby 13 Philippine Navy; Daglat 14 Beauty Queen Dianne

Necio; Inisyal 15 Actor na Salcedo 16 Foreign singer na Boone 17 Foreign singer na

Lavigne 19 Actress na Melendez 21 Actor na Daldal 23 Actor na Bisaya 26 Actress na Zubiri 28 Actress/singer na

Salonga 29 Shooter na Padilla 30 Singer Neil Diamond;

Inisyal 32 Director Topel Lee; Inisyal 33 Singer na Madela 34 Actress na Avila 36 Actor na Navarro 37 Mike _____ Makiling;

Director 38 Actress na Rodriguez 39 Actor/player na Martirez PABABA 1 Singer na Panopio 2 Actress na Tolentino 3 ___, PTP, QUC, RVO 4 Genre ng musika ni

Francis M. 5 Actress Emily Loren;

Inisyal 6 Actress na Chiu 7 Actress Ryza Cenon;

Inisyal 8 Actor na Jeffrey 10 Actor na Sotto 12 Politician/host na Shalani 13 Tunog ng sampal 15 Palayaw ni Tirso Cruz III 16 3.1416 18 Foreign singer na Conniff 19 Actor na Muhlach 20 Actress na Mary 22 PBA player na Velasco 24 Foreign actor na Gibson 25 Actress Amy Austria;

Inisyal 27 Actor na Bernardo 29 Broadcaster na Failon 31 Actress na Cecilio 33 Comedienne na Biado 34 Singer na Valera 35 Sangay ng UN 36 Actress Roxanne Barcelo;

Inisyal 37 Actor Robert Ortega;

Inisyal

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.