Baboy tinumba ng pulis

Bandera - - Front Page -

CALIFORNIA, USA– Nagpasok ng guilty plea ang isang lalake mula sa Tennessee sa patungpatong na mga kaso matapos siyang magn a k aw ng isang trak na nagdulot ng maraming aksidente kamakailan. Ang palusot niya sa mga pu l i s na umare s to sa kanya: hinahabol siya ng zombie.

Nagpasok ng guilty plea si Jerimiah Hartline sa mga kasong assault with a deadly weapon, hit-andrun causing death or injury at vehicle theft. Siya ay nahaharap sa limang taong pagkabilanggo.

Sinabi ng otoridad na nagpagala-gala si Hartline sa loob ng parking area sa bayan ng Temecula sa Tennessee bago nito ninakaw ang trak ng driver na kabababa pa lamang dito. Idinagdag ng CHP na matapos magdulot si Hartline ng maraming aksidente, nagpaikotikot ang trak sa Interstate 15 na naging dahilan para matapon ang isang trak ng strawberries. P i tong k a t a o ang nasaktan sa insidente. Sinabi pa ng mga pulis na ayon sa pahayag ni Hartline, kinailangan niyang magpatakbo nang matulin at magpaekis-ekis dahil siya ay tumatakas sa mga zombies. —AP WA S H INGTON , USA—Binaril at napatay ng pulis ang isang 500pound na baboy matapos na hindi ito tablan ng stun gun.

Ayon sa pulis na si Morgan Mehaffey, nakita niya ang baboy na naglalakad sa sidewalk ng Spokane Valley matapos itong makatakas sa isang minivan sa pamamagitan ng pagdaan sa sirang bintana.

Itinaboy ng pulis ang baboy para hindi i to pumunta sa kalsada at makaiistorbo sa daloy ng trapiko.

Binaril ni Mehaffey ng stun gun ang baboy pero hindi umano ito tinablan.

Nang dumating ang may-ari ng baboy ay nagpasya ito na barilin na lamang ang hayop.

Samantala, 40 ahas ang muntik nang makasakay sa eroplano sa Indonesia na patungong Dubai.

Kalaboso ang dalawang Kuwaiti na may dala ng mga ahas.

Idinaan umano nila ang kanilang mga bagahe sa xray at doon nakita ang mga ahas na sinaksakan ng gamot para makatulog.

Ayon sa mga nahuli ibebenta nila sa mga kolek- tor sa United Arab Emirates ang mga ahas.

Maaaring makulong ng hanggang pitong taon ang dalawa bukod pa sa multang $32,000.

Noong Disyembre ay naaresto ang isang lalaki sa Abu Dhabi airport dahil sa pagdadala ng apat na ahas, dalawang parrot at isang squirrel. Galing ang lalaki sa Indonesia.— AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.