Bato nagliyab; bebot sugatan

Bandera - - Front Page -

CALIFORNIA, USA— Isang babae ang nagtamo ng third- degree burns matapos magliyab ang batong pinulot niya mula sa isang beach sa Southern California.

Nanguha ng mga bato ang mga anak ng 43taong-gulang na babae sa San Clemente Beach at ito’y kanyang inilagay sa bulsa ng kanyang shorts, base sa ulat ng Orange County Register.

Nang ang babae ay nakatayo sa kanyang kusi- na matapos bumalik mula sa beach, nagliyab ang mga bato, dahilan para masunog ang kanang hita at tuhod ng babae, pahayag naman ni Capt. Marc Stone ng Orange County Fire Authority.

Ayon pa kay Stone, tinangka pang patayin ng babae ang apoy ngunit nabigo siya.

“The rocks are small, smooth, and orange and green in color. They eventually fell from the shorts onto the wooden floor where they continued to burn and fill the house with smoke,” dagdag ni Stone.

Nagtamo rin ng second-degree burns ang kamay ng asawa ng babae matapos niyang tangkaing patayin ang apoy.

Hindi naman nagbigay ng detalyadong e k splanasyon ang mga otoridad kung bakit nagliyab ang mga bato , sa pagsasabing kasalukuyan pa ang ginagawa nilang pag-aaral.

“There is phosphorous that naturally occurs on the sand at the beach, but no one has ever heard of pants catching fire,” sinabi ni Stone sa panayam sa Register.

Idinagdag pa ni Stone na aabutin pa ng ilang l inggo bago n i la makumpleto ang imbestigasyon.— AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.