Regine reyna ng GMA 7 tuwing Sabado, Sarap Diva, Full House Tonight tinuhog

Angel, Dimples aktingan showdown sa MMK

Bandera - - Front Page - ANGEL LOCSIIN DIIMPLES ROMANA

SIGURADONGmasmagiging exciting at inspiring ang inyong Saturday morning sa isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva sa GMA 7.

Aaliwin ang mainit na summer n'yo ng mga bisita ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid. Dadalaw sa Sarap Diva house ngayong umaga sina Albie Casino, Martin del Rosario at Lharby Policarpio kasama ang viral star na si Dyosa Pockoh.

Sagot naman ni Songbird ang isang masarap na handa para sa inyong summer outing. May biritan showdown pang inihanda si Songbird para sa nakakaaliw na Divaoke!

Ngayong Sabado na 'yan sa favorite cooking show n'yo with a big twist, ang Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA.

Ngayong gabi naman, dadagit ang mga MulawinatRavena para makigulo sa nakakalokang tropa ng Full House Tonight.

M a y paliga ng basketball ang FHT featuring the Mulawin boys, sina Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio at Kiko Estrada versus "Ravena", as in the young basketball superstar Kiefer Ravena.

May fairy tale pang kuwento tungkol kay Snow White & The 7 Angry Birds kasama sina Bianca Umali, Mulawin vs Ravena boys and Meant To Be boys ( Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner and Addy Raj). May jumbo sized production number din sina Joross Gamboa with Mulawin vs Ravena and Meant To Be boys at ang grupong OneUp. Atmay bonus pang special duet with Regine kasama ang anak ni Michael V na si Yanni. Kakantahin din ng Songbird ang theme song ng MVR. Ngayong gabi na 'yan, sa Full House Tonight after Mag pakailanman sa GMA 7. D a l awang ina, isang anak, at dalawang magkaibang kwento ng pag-aaruga at paglaban para sa karapatan bilang ina. Iyan ang espesyal na handog ng Maalaala Mo Kaya sa two-part episode na pagbibidahan nina Dimples Romana at Angel Locsin simula ngayong Sabado ng gabi.

Sa unang bahagi nito, saksihan muna ang kwento sa pananaw ni Teresa (Dimples), isang babaeng walang ibang hangad kundi magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Kahit salat sa buhay, pinilit nila ng kanyang asawang si Alfredo ( Dominic Ochoa) na buhayin at busugin ng pagmamahal ang kanilang mga anak.

Ngunit isang araw, biglang naglaho ang kanilang bunsong anak na si Topher at umano’y naging biktima ng pandurukot. Agad na hahanapin ni Teresa ang anak. Sinuyod niya ang la- hat ng kalsada sa pag-asang makita ang anak subalit sa kasamaang palad ay wala siyang nakita ni ano mang bakas nito.

Lingid sa kaalaman nilang mag-asawa, napunta na ang kanilang anak sa babaeng nagngangalang Rocma (Angel) at dinala ito sa kanyang probinsya sa Lanao.

Magkita pa kaya muli ang mag-ina? Hanggang kailan hahanapin ni Teresa ang nawawalang anak? Bakit nagawang kunin niRocmasiTopher? Ano kaya ang bersyon ni Rocma sa nangyari?

Makakasama rin sa MMK episode na ito sina Iñigo Delen, Kylie Alcantara, Tanya Gomez, Jennifer Mendoza, Kristofer King, Mara Lopez, Lance Lucido at Negi, sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat nina Benson Logronio at Arah Badayos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.