LITO LAPID, POKWANG, ANGEL AQUINO PASOK SA ‘ANG PROBINSYANO’ NI COCO

Mother Lily kay Ai Ai: You made me rich again!

Bandera - - Front Page - BY REGGEE BONOAN LIITO LAPIID AT COCO MARTIIN MEGAN YOUNG,, AII AII DELAS ALAS AT LIILY MONTEVERDE

NAG-POST na ang business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Mr. Deo Endrinal ng mga bagong karakter na ipapasok sa FPJ’s Ang Probinsyano sa kanyang Instagram account noong Huwebes ng gabi.

Ilan sa mga ito ay sina dating Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario, Ejay Falcon, John Arcilla, Maya Valdez, Sid Lucero, Angel Aquino at Pokwang. Ang ilan sa mga litratong nakitanaminaymay captions na: "Another chapter soon #FPJAP."

Curious kami at ang ilang netizens kung ano ang magiging papel ng mga nabanggit na artista at kung tuloy pa ba ang guesting nina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa action serye ni Coco.

Sabagay, nagsabi naman si Juday na ayaw muna niyang magteleserye ngayon dahil mahabang oras ang kailangang igugol dito at hindi pa siya puwedeng tumanggap ng ngaragang proyekto dahil tatlo na ang anak nila ni Ryan Agoncillo na kailangan nilang bantayan at gabayan.

Bukod dito ay may weekly show pa siyang Bet On Your Baby.

Samantalang si Robin naman ay kasama sa baliktambalang teleserye nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria. At tama ba ang dinig namin, hindi feel ni Binoe na maging kontrabida kaya mas pinili niya ang maging ka-love triangle nina Ser Chief at Jodi.

Going back to FPJ’s Ang Probinsyano, palaisipan pa rin sa amin kung malapit nang mamaalam si Joaquin Tuazon ( Arjo Atayde) dahil base sa kuwentong napapanood ngayon ay malapit na siyang masukol nina Cardo Dalisay.

Hindi kaya may kakambal din pala si Joaquin na ba- balik sa tamang panahon? Sa nakaraang pa-victory party ng maginang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo para sa cast ng "Our Mighty Yaya" kasama ang entertainment press/online writers at bloggers ay nabanggit ni Ai Ai delas Alas na puwede siyang tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN para mag-guest sa mga show kung may ipo-promote na pelikula dahil wala namang GMA Films.

Kinumpirma ng komedyana na gagawa nga siya ng pelikula sa StarCinema,“Hindi po ako exclusive contract ng any movie outfit,” sabi ng komedyana.

Pero kung gagawa siya ng programa o teleserye ay hindi pa raw puwede dahil may kontrata pa siya sa GMA na malapit nang mag-expire.

Nabanggit din ni Ms. A na noong plano na niyang huminto sa showbiz ay sa Amerika na siya maninirahan at may ipon naman daw siya, pero kinausap nga siya ng manager niyang si BoyAbunda kaya nabago ang plano hanggang sa mapunta siya sa Kapuso network.

At dahil malapit nang mag-expire ang kontrata ni Ai Ai sa GMA, tinanong siya kung may balak pa ba siyang bumalik sa ABS-CBN.

“Gusto kong mag-freelance muna gusto ko kasing magsoap, pero kung puwede na hindi ko iiwan ang Sunday PinaSaya (sa GMA)."

At dahil gagawa siya ng pelikula na magiging entry sa Cinemalaya 2018 ang gusto niyang papel ay maging mayaman dahil ito palang ang hindi pa niya nagagampanan sa buong showbiz career niya.

Hindi niya ikinokonsidera ang pagiging Presidente niya sa "Tanging Ina", “Presidente ako pero hindi kami mayaman, bumalik kami sa dati naming buhay.”

At ang peg dawni Ai Ai sa pagigingmayaman ay si, “MotherLily! ahahaha! Ayoko ng mayamang maarte, puwedeng mayaman lang?”

Komento naman ni MightyYaya sa sinabi niMother Lily na, "You made me rich again," dahil nga kumita ang kanilang pelikula, “Sana bahagian niya ako ng yamanniya!” sabi ni Ai Ai.

Samantala, ayon kay Mother Lily posibleng magkaroon ng part 2 ang "Our Mighty Yaya" dahil nabitin daw ang mga nakapanood na ng pelikula.

Maganda naman kasi talaga ang pelikula at hindi hard sell ang comedy dahil talagang nangyayari sa araw-araw ang mga eksena nina Megan Young at Ai Ai na napakagaling sa pelikulang ito bilang si Yaya Virgie.

Actually, kahawig niya ang itsura ng Hollywood actress na si Emma Thompson sa pelikulang "Nanny McPhee" na may malaking ngipin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.