Heart Enemies

Bandera - - Front Page -

Ga l i t na galit si Charlene, ito pa ang naghamon kay Laila.

“Sabihin mo na sabing itinulak kita, e! Bakit natitigilan ka pa? Magkawatak-watak na tayong apat! Dahil kapag pinanindigan mong itinulak kita at maniniwala naman ang mga asawa natin, lalayas na ako! Iiwan ko na si Nico at bahala na kung sino ang mag-aalaga sa kanya!”

“Charlene ... bakit ba ikaw pa ang nagmamata- pang? Ako ang muntik mamatay dahil ...”

“Dahil itinulak kita? Sige, magpakamartir ka! Magpa-bebe ka! Asawa ko a t asawa mo ay puro kampi sa iyo! Wala akong kuwenta sa inyong tatlo! Bahala kayong tatlong magsama!”

“Charlene!” Nabahala rin si Nico sa banta ni Charlene na lalayas.

Napatingin sa kanya sina Laila at Dave. Parehong naaawa sa lalaking bulag.

Kita ni Laila na masa- kit kay Nico kapag iniwan siyang mag-isa. Ano mang klaseng asawa si Charlene ay pinahahalagahan pa rin nito.

“Hintay, Charlene!” Biglaang nakapagpasya si Laila.

Pagsisinungaling man, gagawin niya huwag lang maiwan ng asawa si Nico. Huwag lang itong maging mag-isa sa tahanang napakalungkot na.

Nakataas pa ang noo ni Charlene nang lumingon. “Ano? Sasabihin mo pa rin bang itinulak kita? Nadulas ka kasi madulas sa kinatatayuan mo! Kasalanan mo dahil para ka ring bulag! Hindi ka nag-ingat!”

Napakagat- labi na lang si Laila.

Galit na g a l i t ang kalooban dahil alam niya ang totoo. Itinulak naman talaga siya ni Charlene.

Hindi iyon imagina- tion lang. Iyon ay totoongtotoo.

Pero paano naman niya matiis na dahil sa kanya ay mawawalan na ng asawa si Nico?

Nahirapan man, nagawa niyang sabihin ang hindi totoo.

“H-Hindi niya ako itinulak. N-nadulas nga lang ako. Huwag ninyo siyang sisihin.”

Napangisi si Charlene. Panalong- panalo ang kanyang ngiti.

Hindi naman basta naniwala si Dave dahil alam niya kung ano iyung nakita niya.

“Hon, just tell the truth. I know what I saw. Nico will be alright kahit umalis ‘yang si Charlene. Hindi natin pababayaan ang best friend ko. Sabihin mo lang ang totoo.” Natigilan si Laila. Napaisip siya sa sinabi ng asawa.

Bakit nga ba matatakot siyang umalis si Charlene? Ano bang klaseng asawa ito kay Nico?

Kapag umalis si Charlene, kakayanin nila ni Dave na ayusin pa rin ang buhay ni Nico. May mga maids naman.

Makakabuti pa nga na umalis na lang si Charlene.

Lakas-loob nang nagsabi ng totoo si Laila. “Oo, itinulak nga niya ako. Malakas na pagtulak kaya hindi iyon aksidente. Kundi sinadya talaga.”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.