SMB NATUMBOK ANG IKA-6 PANALO

Bandera - - Front Page -

Laro Ngayon (Ibalong Centrum for Recreation) 5 p.m. Alaska vs TNT KaTropa NASUNGKIT ng SanMiguel Beermen ang ikaanim nitong panalo matapos mapigilan ang NLEX Road Warriors, 114-108, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Nagawang makalayo agad ng San Miguel Beer na nakapagtayo ng 60-43 kalamangan sa halftime bago napigilan ang huling ratsada ng NLEX sa ikaapat na yugto.

Gumawa si Charles Rhodes ng 37 puntos at 19 rebounds para pangunahan ang Beermen na may anim na players na umiskor ng double figures.

Nagdagdag si Chris Ross ng 15 puntos at 11 assists, si Arwind Santos ay kumana ng 13 puntos, si Alex Cabagnot ay nag-ambag ng 12 puntos at 10 assists habang sina Marcio Lassiter at June Mar Fajardo ay may tig-12 puntos para s a B e e rmen na umangat muli sa top spot.

Na g t a l a s i Wayne Chism ng 22 puntos para pamunuan ang NLEX.

Samantala, tatangkain n g A l a s k a Ac e s na wakasan ang kanilang three-game losing skid sa pagsagupa sa TNT KaTropa Texters sa kanilang out-of-town game ngayong alas-5 ng hapon sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City, Albay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.