Gilas Pilipinas mas palalakasin

Bandera - - Front Page -

PAHIRAP ng pahirap ang susunod na daan ng Pilipinas tungo sa inaasam nitong unang pagtapak sa Olimpiada.

Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes matapos itulak ang binuo nitong SEABA 12 sa korona ng 2017 Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Men’s Championship sa pagbigo sa Indonesia, 97- 64, sa Araneta Coliseum.

Ang panalo ng koponan ay nagtulak sa Pilipinas u p a n g m a k apagkuwalipika sa sunod na dadaanan nitong yugto na 2017 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Beirut, Lebanon pati na rin sa isasagawang mga torneo para makatuntong sa 2019 FIBA World Cup.

“We just want to make sure we won this tournament first and then sit down again on the next task dahil pahirap na ng pahirap ang susunod na labanan,” sabi ni Reyes.

Pinatutungkulan ni Reyes ang susunod na hakbangin para sa pambansang koponan matapos nitong malaman ang bagong iskedyul ng kinabibilangan na internasyonal na asosasyon na Federation Internationale de Basketball (FIBA).

Unang poproblemahin ni Reyes ang magiging komposisyon ng koponan na isasabak sa FIBA Asia Cup sa Agosto at pati na sa kasabay halos nitong gaganaping torneo sa tulad na buwan na Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19 hanggang 30.

An g unang F I BA World Cup qualification window ay nakatakda naman sa Nobyembre at ikalawa sa Pebrero.

“We know it’s going to be a challenge,” sabi ni Reyes. “It’s going to be difficult.” — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.