PH pasok sa finals ng AFF U15 Girls Championships

Bandera - - Front Page -

Mga Laro Ngayon 4 p.m. Cambodia vs Myanmar (battle for

third place) 6:30 p.m. Thailand vs Philippines (Finals) MAGSASAGUPA para sa titulo ang Pilipinas U15 girls squad matapos tumuntong sa kampeonato ng AFF U15 Girls Championships 2017 na ginaganap Mayo 8 hanggang 20 sa Vientiane, Laos.

Ito ay matapos talunin ng Pilipinas ang nakatapat na Myanmar, 3-2, sa isa sa pares ng semifinals ng torneo na ginaganap sa KM16 National Stadium.

Nagwagi naman sa isang pares ang Thailand, 6-0, kontra Cambodia.

I s a s a g awa naman ngayon ang kampeonato sa pagitan ng kapwa walang talo na Thailand at Pilipinas alas-6:30 ng gabi.

Ang Pi l i p i n a s ay nasama sa Group B na kinabibilangan ng Singapore, Cambodia at Indonesia.

Tinalo ng Pilipinas ang Indonesia, 2-0, bago isinunod ang Cambodia, 3-0, at Singapore, 3-0.

Unang nakaiskor ng goal ang mga Pilipina sa ika-39 minuto mula kay midfielder Myria Skye Garcia subalit agad ito ginantihan ng dalawang goal ng Myanmar mula kay forward Pyae Pyae Su sa ika-47 at 52 minuto. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.