5 tulak tepok sa Bulacan

Bandera - - Front Page -

IPINAG-UTOS kahapon ni National Capital Region Police Office director Chief Supt. Oscar Albayalde ang pagsibak sa buong p uwe r s a ng Caloocan City police.

Sinabi ni Albayalde na unang tinanggal ang mga pulis sa Caloocan City Substations 2, 4, at 7.

“And in the coming days, we will be looking forward (to) the relief of all the personnel from the other substations,” sabi ni Albayalde sa isang panayam ng ABC-CBN News Channel.

Ginawa ni Albayalde ang kautusan sa gitna ng sunod-sunod na pagkakasangkot ng mga pulis- Caloocan sa mga pagpatay at mga kontrobersiya, kabilang ang pagkamatay ng mga binatilyong sina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa kamay ng mga ito at ang pagnanakaw sa isang bahay.

“They will be retrained and they’ll be reassigned to other stations here in Metro Manila. They will not be able to go back to their position or their assignment in Caloocan,” dagdag niya.

Sinabi ng opisyal na pansamantalang papalit ang mga pulis mula sa Philippine National Pol i ce’s ( PNP) regional public safety battalion sa mga sinibak.

Inamin ni Albayalde na matagal nang plinano ang pagsibak sa buong Caloocan police bunsodng pagpatay kay delos Santos para patunayan na hindi kinukunsinti ng PNP ang mga pangaabuso.

“What we’re trying to show here (is we) do not condone any wrongdoings of our personnel in PNP,” sabi ni Albayalde.

Ikinagalit ng publiko ang pagpatay sa mga binatilyo, partikular sa 14anyos na si Reynaldo de Guzman, na nagtamo ng 30 saksak matapos matagpuan sa Nueva Ecija.

Na t a g puan din si Michael Angelo Remecio, 16, na taga Caloocan City rin, sa isang sapa sa San Jose del Monte, Bulacan. Nakatali ang mga kamay niya ng nylon cord. — Inquirer.net LIMANG hinihinalang drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga sa lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkules at Huwebes.

Tatlo ang napatay sa mga buy-bust operation sa bayan ng San Rafael at Baliuag noong Huwebes.

Nasamsam sa mga napatay ang tatlong maigsing baril, isang motorsiklo, at pitong sachet na may kabuuang 2.85 gramo ng hinihinalang shabu.

Noong Miyerkules, napatay ang hinihinalang pusher na si alyas "Ben Diesel" at umano'y kasabwat niya na nakilala lang sa tawag na "Ode," sa Brgy. Fatima 5, San Jose Del Monte City.

Target ng buy-bust si "Ben Diesel" at nang dadakpin na'y tumakbo sa loob ng kanyang apartment unit, kung saan nila pinaputukan ni "Ode" ang mga operatiba, ayon sa provincial police. —John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.