2 bata tinaga, malubha

Bandera - - Front Page -

SUGATAN ang dalawang batang babae nang pagtatagain ng lasing sa loob ng isang bahay sa Laoang, Northern Samar, kahapon ng hapon, ayon sa pulisya.

Isinugod sina Mica Bantilo, 8, at Syra Valila, 7, sa G. B. Tan Memorial Hospital dahil sa mga pinsalang tinamo, ani Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.

Naganap ang insidente alas-3:30 sa bahay ng isang Florma Macatane sa Brgy. Sto. Nino.

Na k i k i n o o d ng telebisyon ang dalawang bata nang biglang pumasok ang 39- anyos na si Marlo Bantilo at pinagtataga sila.

Nadakip ang suspek at nakadetine ngayon sa Laoang Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.— John Roson makalawa ng gabi.

Ka b i l a n g s a mga nadakip ang jail guard na si Roy Tiozon, 40, at driver na si Geofrey Jesher, 33, ani Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.

Dinampot din sina Benjamin Abarca, Claro Advincula, at Antonio Igti n g , na pawang mga nakapiit sa provincial jail para sa mga kasong may kinalaman sa droga, at murder.

Nadakip ang lima nang magsagawa ng entrapment ang Regional Drug Enforcement Unit at Sta. Fe Police sa Brgy. Zone 1 alas9:30.

Posibleng maharap pa sa karagdagang kaso ang jail guard dahil walang dokumento ang dala nitong kalibre-. 45 baril. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.