Martial law anniversary, holiday

Bandera - - Front Page -

INANUNSYO kahapon ni Pangulong Duterte na isang holiday ang Setyembre 21, ang ika-45 anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law.

"At this early, I am announcing that I am ordering a holiday para walang masaktan, walang ano kung may demonstration diyan, magkagulo. Walang trabaho ang gobyerno ‘yang araw na 'yan at ang klase suspended. At lahat ng public places dito na gusto ninyong i-occupy, kunin ninyo," sabi Duterte sa panayam ni Erwin Tulfo sa PTV-4.

Naka takdang magsagawa ang mga mili- tante ng National Day of Protest sa nasabing araw.

"Walang pulis na magpapatrolya laban sa inyo. Ang sinasabi ko lang, I will assign kokonting pulis lang to maintain traffic. Para hindi naman maabala 'yung hindi kasali," dagdag ng pangulo.

Kasabay nito, nanawagan si Duterte sa mga sasali sa mga protesta na gawing mapayapa ang mga rali.

"Ito lang ang hinihingi ko sa inyo: Huwag ninyong gawin na magsira kayo, you vandalize, magsunog kayo ng mga ganun-ganun. ‘ Yung effigy ko, sunugin ninyo. Make an effigy, 'yung kamukha ko. Maski isang libo," ayon pa kay Duterte.

Samantala, nagbabala naman siya sa mga mananamantala sa gagawing protesta.

"Huwag kayong magpapasok ng sabihin niyo red army ninyo na may armas. Huwag kayong magkamali na magsira diyan, sira dito because if you do it, the next thing, ang kaharap ninyo would be the military and the police," ayon pa kay Duterte.

Idineklara ni yumaong dating pangulong Marcos ang martial law noong Setyembre 21, 1972.— Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.