Brgy. chair dedo sa buybust

Bandera - - Front Page -

NASAWI ang barangay chairman nang makipagbarilan umano sa mga pulis na dadakip sa kanya sa buybust operation sa San Jorge, Samar.

Napatay si Louie Nening, residente at chairman ng Brgy. Bulao at itinuturing na "high value target" sa San Jorge, sa isang operasyon ng pulisya alas9 ng umaga Lunes sa Brgy. Bulao.

Matapos matugunan na pulis ang bumili ng shabu, bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang pulisya na palapit sa kanya.

Gumantin naman ang mga pulis at napatay ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng M16 rifle, isang kalibre-.45 pistola na may magazine at pitong bala, isang basyo ng naturang bari l , P500 papel, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu. —John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.