MRT 3 beses tumirik

Bandera - - Front Page -

TATLONG beses nasiraan ang Metro Rail Transit 3 kahapon ng umaga.

Batay sa service status ng MRT 3 unang nasira ang tren alas-6:57 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero sa SantolanAnapolis station south bound.

Alas-7:18 ng umaga ay nasira ang tren sa Shaw Boulevard station south bound dahil sa technical problem.

Isa pang tren ang nasiraan sa Santolan-Anapolis station north bound alas7:38 ng umaga.

Noong 2015 ay itinaas ang pasahe sa MRT at isa sa mga layunin nito ay upang mapaganda lalo ang serbisyo.

Kinokondena ni PBA Rep. Jericho Nograles ang maintenance provider ng MRT3— ang Busan Universal Rail Incorporated dahil patuloy umano ang pagpalya ng operasyon ng sistema.

Sinabi ni Nograles na mayroon siyang mga nakitang anomalya sa P3.8 bilyong kontrata ng BURI gaya ng pagbili ng mga substandard na train safety equipment.— Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.