Anti-Du30 rally magiging payapa

Bandera - - Front Page - Ni Liza Soriano

NAKATIKIM ng sermon si Undersecretary for Road Transport and Infrastructure at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Thomas “Tim” Orbos kay Transpor t a t i o n S e c re t a r y Arthur Tugade matapos niyang aminin na sumakay siya sa habal-habal upang hindi mahuli sa pulong na dinaluhan sa naturang ahensiya.

Napamura rin umano si Tugade sa ginawa ni Orbos na pagsakay sa habal-habal o mga motorsiklong namamasada dahi l para na rin umanong kinukunsinti ng huli ang mga iligal na uri ng transportasyon.

"I was really bothered if not alarmed by the statement of Usec. Orbos, naghabal-habal siya," ani Tugade nang dumalo sa paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa toll collection interoperability na isinagawa sa Taguig kamakailan.

"Bawal ho ang 'habalhabal' sa kalsada at lalong I will not tolerate making a function in DOTr as an excuse to use ‘habal-habal,’' ani Tugade.

Idinagdag niya na ang ginawa ni Orbos ay “unbecoming of an official” ng DOTr.

"I don't like it, Mr. Orbos. We should not at all allow or encourage the use of ‘ habal- habal,’ ' aniya.

Sa mensahe ni Orbos, sumakay umano siya sa habal- habal para hindi ma- late sa event na dinaluhan niya.

Bukod sa pagiging pinuno ng MMDA, opisyal din si Orbos ng DOTr, na isa sa mga tungkulin ay kumastigo ng mga motorista na lumalabag sa batas sa lansangan. LIBRENG makasasakay sa Light Rail Transit Line 1 ngayong araw ang mga guro.

Ang libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng National Teacher’s Month, ayon sa Light Rail Manila Corp., ang operator ng LRT 1.

Kailangan lamang magpakita ng identification card mula sa Department of Education, ID ng eskuwelahan kung saan sila nagtuturo o lisensya mula sa Professional Regulation Commission sa gate na inilaan para kanilang pasukan.

Ang LRT 1 ay bumibiyahe mula Baclaran sa Paranaque City hanggang sa Roosevelt sa Quezon City. Mayroon itong 20 istasyon. Ang unang tren ay umaalis ng Baclaran ng alas-4:30 ng umaga at ang huling biyahe paalis ng Roosevelt ay 9:45 ng gabi. — Leifbilly Begas HINDI pagmumulan ng kaguluhan ang gaganaping mga kilos-protesta laban kay Pangulong Duterte sa Seryembre 21, paniniyak ng grupong Movement Against Tyranny.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio na hindi r in nila hahayaan na masaktan ang kanilang mga kasapi sakaling magkaroon ng kaguluhan.

Binanggit pa ni Tinio, isa rin sa mga convenor ng grupo, na gumagawa lamang ng senaryo ang pamahalaan para panghinaan ng loob ang ilang mga gustong sumama sa kilos-protesta na kasabay ng ika-45 anibersayo ng martial law.

Hindi naman umano sila natatakot sa mga banta dahil beterano na sila sa mga malalaking rally kahit noong wala pa sa pwesto si Pangulong Duterte.

Inilahad ni Tinio na kabilang sa mga isyung kanilang isisigaw sa Setyembre 21 ay ang pag-abswelto sa pamilya Marcos, patuloy na pakikialam ng US sa ating bansa at ang dumaraming kaso ng extrajudicial killings sa ila- lim ng kasalukuyang administrasyon.

Bukod sa MetroManila, sinabi ni Tinio na may mga kilos-protesta rin na isasagaw sa ilang mga pangunahing lungsod sa Visayas at Mindanao. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.