2 kagawad tinumba

Bandera - - Front Page -

BLANGKO pa rin ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa dalawang barangay kagawad sa Bulalacao, Oriental Mindoro, kamakalawa ng umaga

Nadiskubre ng isang residente ang bangkay nina Erning Aykid at Aylan Lantoy, kapwa kagawad ng Brgy. Benli, alas- 11: 30, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.

Kinakitaan ng tama ng mga bala sa iba-ibang bahagi ang mga bangkay, at malapit sa mga ito’ ay nakatagpo ang lokal na pulisya ng apat na basyo ng kalibre-.45 pistola, ani Tolentino.

“Lahat po ng possible angle ay tinitingnan sa ngayon,” dagdag ni Tolentino nang tanungin kung may mga kriminal o rebeldeng grupo na nagooperate sa lugar. — John Roson tinutuluyan nilang bahay sa Murcia, Negros Occidental, kamakalawa ng umaga.

Ikinasawi nina Eden Bacordo, konsehal ng bayan ng Don Salvador Benedicto; kinakasama niyang si LeahMae Saldoa, 29; at bodyguard na si Arnold Larida, 38, ang tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ani Senior Insp. Ronald Santillan, officer-in-charge ng Murcia Police.

Sinisilip ng lokal na pulisya ang posibleng kaugnayan ng pamamaslang sa kasong murder na kinakaharap nina Bacordo at Larida sa Don Salvador Benedicto, o sa relasyon ng konsehal at ng kinakasama niyang babae, ani Santillan.

“Si SB (Sangguniang Bayan member) Bacordo at si Arnold ay suspects na finile-an ng kaso ng murder sa pagkamatay ng isang Charlie Bulibuli two month ago... isa ito tinitingnan na anggulo. Isa pa, i tong s i SB, ’ yung kinakasama niya married ito eh, may pamilya, so ’yun ang isa pa na tinitingnan namin,” anang police official.

Naganap ang insidente sa tinutuluyang bahay nina Bacordo at Saldoa, na napalilibutan ng taniman ng tubo, sa Purok lilo, Brgy. Lopez Jaena, alas-9:30.

Naglalakad palabas ng tubuhan si Bacordo nang biglang paputukan ng mga taong armado ng mahahabang baril, sabi ni Santillan nang kapanayamin sa telepono.

“’Di siya (Bacordo) napuruhan, so tumakbo siya pabalik sa bahay, at dun dumaan sa bangin sa likod para makaiwas, pero may mga nakaabang din pala dun na armed men na ’yun bumaril uli sa kanya, kay Leah at kay Arnold,” anang police official.

Aabot sa anim kalalakihan, na pawang maymahahabang baril, nakasuot ng jacket at “fatigue” na pang-ibaba ang sangkot sa pamamaril, ani Santillan.

Natagpuan naman sa crime scene ang 34 basyo ng M1 Garand rifle at M16 r i f l e , tatlong bala, at dalawang rifle clip. — John Roson bago sinunog sa San Fernando, Bukidnon.

Natagpuan ang hiwah i w a l ay a t sunog na katawan ni Tito Tumbalang Mancilla sa taniman ng mais sa Sitio Alimpulos, Brgy. Tugop, Huwebes ng umaga.

Ayo n sa pulisya, t i n a n g g a l muna ang laman-loob ang bangkay bago sinunog at inilagay sa sako saka itinapon sa maisan.

Kinalaunan ay nakilala ng mga pulisya ang biktima na si Mancilla, 41, at residente ng Purok 3, Brgy. Tugop. — John Roson nitong manggulo sa isang lamay sa Bugallon, Pangasinan, kamakalawa ng gabi.

Nakadetine si Kevin Que jado , 41 , na nakuhanan din ng hinihinalang shabu, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Dinala ng barangay kagawad s i Quejado sa Bugallon Police Station alas-9, matapos umanong manggulo ng huli sa lamay ng isang Lito Sindao sa Brgy. Poblacion. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.