100 dakip sa police op

Bandera - - Front Page -

DINAKIP ang mahigit 100 katao makaraang suyurin ng nga pulis ang 16 barangay sa Paranaque, kamakalawa ng gabi.

Alas-9 nang sinimulan ng mga miyembro ng pitong police community precinct ang paggalugad na nagresulta sa pagkakahuli aa tatlo katao na may nakabinbin na warrant of arrest, 13 na sangkot sa anti-illegal drugs, at anim sa pagsusugal.

Aabot naman sa 30 katao ang naabutan na umiinom sa kalsada at 18 lalaki na walang damit pang-itaas.

Halos 50 menor de edad naman ang lumabag sa curfew.

May 15 motorsiklo rin ang kinumpiska matapos walang maipakitang kaukulang dokumento ang mga may- ari nito. — Liza Soriano Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang imbestigasyon sa panloloob ng mga pulisCaloocan sa isang bahay sa siyudad.

Sinabi ni PNP-IAS inspector general Atty. Alfegar Triambulo na wala silang papanigan sa imbestigasyon. Dagdag niya, sinimulan nila ito kahit na hindi pa nagsusumite ng reklamo sa kanilang tanggapan ang mga biktima. Base sa paunang impormasyon ng PNP-IAS, aabot sa 15 pulis ang kasama sa panloloob. Interesado rin umano ang ahensya na kilalanin ang pilay na police asset na nakunan ng CCTV na nanguna sa pagpasok sa nasabing bahay habang may dalang bari l . Isang menor-de-edad rin na kabilang din sa nakawan at nakunan ng video ang pinaghahanap na. Nauna nang sinibak sa pwesto ng National Capital Regional Police Officer ang buong puwersa ng Caloocan City PNP dahil sa kinasangkutang mga kontrobersiya sa mga nakalipas na linggo. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.