Lola nabundol ng pick-up, utas

Bandera - - Front Page -

NASAWI ang 63-anyos na babae nang mabundol ng pick-up sa highway sa Pozorrubio, Pangasinan, Bi- yernes ng gabi.

Ikinasawi ni Eleonor Langcao, vendor ng gulay at residente ng Brgy. Palacpalac, ang matinding pinsala sa ulo, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.

Naganap ang insidente sa bahagi ng highway na nasa Brgy. Palacpalac, alas7:45.

Minamaneho ni Rufino Balderas, 55, ang Ford Ranger pick- up ( AEV7 2 4 ) p a h i l a g a , nang mabundol si Langcao, na bigla na lang umanong tumawid sa kalsada.

Dinala pa si Langcao sa Pozorrubio Community Hospital ngunit di na umabot nang buhay, habang si Balderas ay sumuko sa istasyon ng pulisya sa bayan ng Sison. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.