Imahe ni Hesus nasa sonogram ng sanggol

Bandera - - Front Page -

PENNSYLVANIA, USA — Nakita umano ng magasawa mula sa Pennsylvania ang imahe ni Hesus sa sonogram ng kanilang anak kaya napanatag ang kanilang loob na wala itong magiging birth defects, di gaya ng kuya at ate nito.

Sinabi nina Alicia Zeek at Zach Smith na hindi sila relihiyoso pero kumbinsido sila na ang imahe sa kaliwang bahagi ng ulo ng kanilang anak ay si Hesus.

Tinawag ni Smith na “distinct” ang imahe ni Hesus.” There’s another face looking at my daugh- ter,” aniya.

May problema ang unang dalawang anak ni Zeek. Ipinanganak ang kanyang anak na babae na dalawa ang hinlalaki sa isang kamay. Ipinanganak naman ang kanyang anak na lalaki na may cleft palate. — AP TEXAS, USA — Patongpatong na kaso ang kin a k a h a r ap ng isang shoplifter mula sa Texas matapos tanggalin ang kanyang posas at nakawin ang sasakyan ng pulisya.

Nakakulong ang 33anyos na si Toscha Sponsler sa Angelina County jail dahil sa napakaraming kaso, kasama na ang evading arrest.

Sinabi ng mga otori- dad na dinakip si Sponsler noong Sabado sa kasong shoplifting at nasa likod ng police car nang magawa nitong tanggalin ang posas.

Makikita sa video na sumiksik ang suspek para makarating sa front seat bago ito pinasibad.

Umabot ang habulan hanggang 20 milya bago nasakote ang suspek. — AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.