ALDEN: FIRST TIME KONG MA-TORTURE, GRABE, NAPAKAHIRAP...NAKAKAPAGOD!

Sanya: Nagse-share na kami ng secret ni Rocco!

Bandera - - Front Page -

WALA nang ibang masabi ang lead star ngKapusoAfternoon Prime series na Haplos na si Sanya Lopez tungkol sa samahan nila ng kanyang costars na sina Rocco Nacino, Thea Tolentino at Pancho Magno – pamilya na raw talaga ang turing nila sa isa’t isa.

In fact, madalas na nga raw silang nagba-bonding kahit wala sa set dahil super comfortable na sila sa isa’t isa. Ibinahagi rin ni Sanya na level-up na rin ang samahan nila ni Rocco dahil as of this moment ay wala na silang tinatagong secrets sa isa’t isa.

So, tama ba ang hula ng inyong mga followers tungkol sa relasyon ninyo niRocco? At totoo bang nanliligaw na ang Kapuso actor sa ‘yo pero ayaw mo lang itong ibandera sa publiko?

Ang isa pa sa ikinatuwa ng RocSan fans ay ang balitang no way but up ang direksyon ng TV ratings ng kanilang seryeng Haplos kumpara sa katapat nitong programa. Iba rin talaga ang nagagawa ng natural na chemistry ng magka-loveteam.

Kaabang-abang naman kasi talaga ang mga tagpo sa Haplos lalo’t handa na si Angela (Sanya) na labanan ang itim na kapangyarihan ni Lucille (Thea). Powers versus powers na ang mga susunod na eksena. Napapanood pa rin ang Haplos sa Afternoon Prime ng GMA.

Ngayong Linggo, inihahandog ngGMAPublic Affairs ang Alaala: A Martial Law Special, kung saan gagampanan ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang buhay ng Martial Law activist at award-winning screenwriter na si Bonifacio “Boni” Ilagan.

Makaraan ang 45 taon matapos ideklara ang Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang mga biktima nghumanrights abus- es ay patuloy pa ring humihingi ng hustisya. At ang ilang taon sa ilalim ngBatasMilitar ay tila limot na.

Sa tantya ng mga organisasyong sumusulong ng human rights, sa ilalim ngMartial Law, 70,000 ang mga nakulong, 34,000 ang nakaranas ng torture, 3,240 ang mga pinatay, 884 ang pwersahang nawala kung saan hanggang ngayon, 612 ang hindi pa rin natatagpuan.

Ang Alaala: A Martial LawSpecial ay isang pelikula sa loob ng isang dokumentaryo. Susundan nito si Boni, na ipinangalan kay Andres Bonifacio. Isa siya sa mga aktibista noong Martial Law na kalauna’y dinakip at tinortyur sa kamay ng Philippine Constabulary. Ang kaniyang mga alaala noong panahong iyon ay isasapelikula at gagampanan ni Alden.

Challenging para kay Alden ang pagganap niya bilang nakababatang si Boni. “Physically, psychologically, emotionally, mentally, mahirap ‘yung role. I’ve never been tortured inanyofmyroleswhenI was doing projects with soaps and movies,” ayon sa binata.

Makakasama niya rito sina Gina Alajar, Bianca Umali at Rocco Nacino. Sa kanyang paghahanda para sa role, nadiskubre ni Rocco na kamag-anak niya pala ang award-winning writer. “(Sir Pete) came to me, saying, ‘Hey you know what I’m your mom’s second cousin.’ So that night halos hindi ako makatulog.

“Nag-researchako, I called up my mom and then naconfirm na kamag-anak ko pala si SirPete. Itmakes everything more meaningful at masmalalim para sa akin,” ani Rocco.

Mapapanood ang Alaala: AMartial LawSpecial ngayong Linggo ng gabi sa SNBO sa GMA 7.

Samantala, natutuwa ang mga fans ni Alden dahil muli nilang mapapanood ang Pambansang Bae sa isang makabuluhang programa kung saan muling maipapakita ng binata ang kanyang galing sa pag-arte. Pero siyempre, umaasa pa rin angAlDubNationnamayfollow-up serye pa rin sina Alden at Maine at matuloy na rin ang kanilang second movie.

Inaabangan na tuwing Sunday night ang all-original musical game show ng GMA na All-Star Videoke.

Bukod kasi sa bagong tandem nina So lenn Heussaff at Betong Sumaya bilang bagong hosts nito, kaabang-abang din sa viewers ang mas pinalaki at mas pinasayang weekly episodes nito. Sa katunayan, excited na nga ang mga Kapuso na masaksihan kung madedepensahan ba ni Boobay ang pagiging Videoke Champ ngayong makakalaban niya ang anim na Kapuso stars na adik din sa kantahan at videoke.

Kabilang na riyan sina Mark Herras, Sef Cadayona, Sanya Lopez, Valeen Montenegro, Lovely Abella at Derrick Monasterio. Sino kaya sa kanila ang makapagpa-impress sa All-Star Laglagers this week na sina Julie Anne San Jose at Philip Lazaro? Sino kaya ang makakarating sa final round para sa cash na laman ng Bangko-oke atmay chance na manalo ng Super Oke Grand Prize?

Abangan lahat ‘yan sa AllStar Videoke after 24 Oras Weekend sa GMA. – EAS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.