LUIS SA PAGIGING POLITIKO: NANINIWALA AKONG NANDITO TAYO SA MUNDO PARA MAGLINGKOD!

Kim ayaw nang magbilad ng katawan; may ‘utang’ kay Marian Solenn hindi uurungan si Andrea sa bugbugan at hubaran

Bandera - - Front Page -

Jinggoy, lalong lumakas ang loob ni Bong dahil dininig na rin ng Diyos ang kanilang mga dasal.

“I hope to join you soon,” saad pa ng mister ni Lani Mercado. KUNG si Kim Domingo lang ang masusunod, mas gusto na niyang magbabu sa todo-todong pagpapaseksi sa TV. Nais dawniyang ibandera sa buong universe na isa rin siyang aktres.

Kaya nga abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA at kay Marian Rivera dahil ang Kapuso Primetime Queen ang mismong pumili sa kanya para maging kapatid niya sa bagong comedy-fantasy primetime series na Super Ma’am. “Iba ’to sa mga nagawa ko before. Before, ang focus kasi madalas ay yung pa-sexy side ko.

“Ito, ‘yung character ko mismo, ang pagiging palaban. Pati costume ko, hindi na rin ganu’n ka-sexy, kasi nga, siyempre pambata. Natutuwa rin ako kasi parang mas maaappreciate na ako ng mga tao.

“Pambata na kasi, before, talagang may mga nagrereklamo, marami akong nababasa. ’Ay, hindi ka magandang ehemplo sa kabataan, kasi ito palagi ang role mo,’” ang pahayag ni Kim sa nakaraang presscon ng Super Ma’am na magsisimula na ngayong Lunes sa GMA Telebabad kapalit ngMulawin vs Ravena.

Dagdag pa ng tinaguriang Asia’s Fantasy, “Gusto ko nang makatawid, e, ang dami ko na rin naman pong naipakita. Parang para po sa akin, tama na po iyon, hanggang dun na lang siguro. Gusto ko nang makatawid sa pagiging aktres, kasi yun ang goal ko. Maging aktres ako at tumagal pa ako sa industriya.”

Wala naman daw problema si Kim sa pagbibilad ng hubad niyang katawan, pero feeling niya, mas magiging pangmatagalan ang career niya kung mapapansin din ng manonood ang kanyang akting, “Actually, pagdating naman sa trabaho, wala akong reklamo. Kasi ‘yung GMA, nag-usap na rin kami. Okay, ito na yung bawas-bawasan na yung dati, kahit sa mga sinusuot kong damit. Kasi ‘yun ang gusto ko talaga, magdrama, umarte.”

Pero huwag dawmalungkot ang mga lalaki at tibo na nagpapantasya sa kanya dahil tuloy pa rin ang pagpapa-sexy niya sa gag show na Bubble Gang, “May segment ako du’n na ’Patikim niKim.’ Pero yun nga, yung mga damit na sinusuot ko, medyo hindi na tulad ng dati, na parang nakabra na lang ako.”

Wala pang final decision si Luis Manzano kung papasukin din niya in the future angmundo ng politika tulad ng kanyangmga magulang.

Maraming nagsasabi na siguradong mananalo ang TV host-comedian sakaling tumakbo siya sa susunod na eleksyon at maging public servant din tulad ng parents niyang sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Ayon kay Luis, “I believe we are put on this earth to serve, it depends on what capacity. It could be public office. Pero sa akin it’s a different fulfillment if you serve through a TV screen. For example if Imeet someone saying ‘Luis nakakatawa ka mag-host’ ganyan, ganyan.”

Hirit pa ng binata, “I witnessed firsthand with both my parents, my dad and my mom and my stepdad, say ‘you change lives because of what you’ve done.’ And I believe sabi ko nga at any point in our lives we are bound, our responsibility, our obligation, to make life easier for someone else. It depends onwhat level.”

Samantala, nagsimula na kagabi ang bagong show ni Luis sa ABS-CBN, ang I Can See Your Voice. In fairness, nakihula at nakiSEE-ya na ang madlang pipol sa latest music game show ng Dos.

Ang hit game show na likha ng CJ E&M sa Korea ay nasa Pilipinas na, “Ang kaibahan siguro ng version natin sa iba ay ‘yung humor natin, e. At syempre ang mga SING-vestigators natin na sina AndrewE., Kean Cipriano, Wacky Kiray, Angeline Quinto at Alex Gonzaga. Gusto namin maparamdam sa mga tao na pwede silang magtawanan at wala masyadong tensyon dito,” ani Luis.

Bawat episode, isang guest star ang makikipaghulaan kung sino sa anim na secret “songers” ang totoong SEE-nger at sino ang SEE-ntunado. Para gabayan siya ay makikigulo at magbibigay ng samu’t saring opinyon ang SINGvestigators. Unang sumabak sa game sina Gary Valenciano at Lea Salonga.

Huwag palalampasin ang I Can See Your Voice, Sabado at Linggo, 9:30 p.m. sa ABS-CBN.

Sunud-sunod na ang mga pasabog saGMATelebabad series na Alyas Robin Hood. Matapos lumabas ang karakter ni Solenn Heussaff bilang si Iris, kaabang-abang naman ngayon ang mainit na showdown niya with Venus ( Andrea Torres) na siguradong hindi rin magpapatalbog sa action at paseksihan.

Pero ayon kay Solenn, siguradong bagong face-offnaman ang mapapanood sa paghaharap nila ni Andrea, “For sure may ganyan na mangyayari. Siyempre naman si Venus, fiancée siya ni Pepe. Tapos si Pepe, palagi siyang sa tabi ko. So mati-threaten siya, magseselos siya. So tingnannatinkung ano ang mangyayari.”

Isa pa sa tinututukang pasabog ay ang panibagong look o OOTDni RobinHood ( Dingdong Dantes). Sa inilabas na teaser plug, tila mas matapang ang kanyang look. Mukhang ready na siya uling magpakita para ipagtanggol ang naaapi at tumulong sa nangangailangan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.