Heart Enemies

Bandera - - Front Page -

GALIT na galit si Charlene, sinampal nang malakas si Dave.

“H i n d i k a makakasama sa amin! Titiyakin ko ‘yan! At pag nasa Maynila na ako, alam mo ba ang gagawin ko unang-una? Ipapapatay ko si Laila sa riding in tandem!”

Si Charlene naman a n g mu n t ik nang masampal ni Dave. “I swear you have to hide in another planet when you do that, Charlene. Dahil mas masakit pa sa kamatayan ang matitikman mo sa akin!”

“Te l l that marines!”

“You don’ t know what you’re talking , Charlene. Kaya ito lang to the ang tandaan mo. Uuwi at uuwi ako sa Maynila to be with my family. At subukan mong saktan kahit kalingkingan ng mag-ina ko, kakalimutan kong babae kang tao!”

“Bakla!” Si g aw ni Charlene habang palayo na si Dave.

Pero para lang walang narinig si Dave.

KINABUKASAN ay sinikap ni Dave makisama kina Eric. “Handa na akong mag-join sa inyo sa paghahanap ng kayamanan.”

“Bakit nagbago ka ng isip?” Usig ni Eric.

“Dahil tama ka naman. Kung hindi ako tutulong na makakakita kayo ng kayamanan, wala akong pag-asang makabalik ng Maynila. At iyon ang pinakaimportante sa akin, ang makabalik sa Maynila.” “Paano ang hatian?” “Bahala na kayo. Di ba sabi ko, hindi naman yaman ang habol ko? Kundi ang makauwi lang sa pamilya ko.”

“Eh, paano ‘yan ... kateam namin si Charlene a t ayaw n i ya r aw na isama ka namin.”

“I told her you won’t listen to her. Unang-una, magbabayad ako ng malinis. Pangalawa, mas papaboran n’yo naman siguro ang isang taong gusto lang makabalik sa kanyang pamilya. Kaysa isang babae na umiiral lang ang pride dahil ayoko na siyang patulan.”

“Ayusin mo na rin a n g awa y ninyong d a l awa. D a h i l kahit ganyan ‘yan si Charlene, nagbayad ‘ yan sa amin para makarating dito. Saka isa pa, utang mo naman sa kanya kaya kami napadpad dito. Kulang ang pera namin pero halos inubos niya ang pera niya sa bangko para lang makaambag sa lahat na gastos.”

Natigilan naman si Dave.

Naisip na tama, may dapat nga r in siyang ipagpasalamat kay Charlene. Kahit pa halos wala itong katinuan.

“Matindi ang instinct niyan. Nagpumilit sumama, naniwala kasi na ikaw ‘yung survivor dito. At tumama naman.” Ngingisi-ngisi si Eric.

“I ’ m thankful for that.”

“Kaya karinyuhin mo rin kasi paminsan-minsan. Next time, join ka na sa amin. Para rin mas masaya.” At humalakhak si Eric, walang pakialam na inilalantad ang kanyang kabastusan.

Kailangan lang talagang makisama ni Dave. “Sige, I’ll join next time.” Kahit pa parang masusuka siya.

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.