Fajardo binuhat ang Beermen kontra Picanto

Bandera - - Front Page -

GINULAT ng dehadong kabayo na si Yoshiko ang bayang karerista nang maghari ito sa PCSOBandera Cup benefit race Sabado sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Si Yoshiko, ang seventh pick sa 10- entry race, ay nagsagawa ng malakas na remate sa homestretch para talunin ang pinapaborang si Precious Jewel na nagtapos sa ikalawang puwesto sa PCSO-Bandera Cup race.

Ang koneksyon ni Yoshiko, na pinangunahan ng may-aring si Jay Coching, trainer Manuel Garcia at jockey Ryan Roy Garcia, ay tumanggap ng P150,000 premyo at tropeo mula sa Inquirer Bandera at ang sponsor na Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang Inquirer Bandera, na nagdiwang ng ika- 27 anibersaryo nitong Setyembre 10, ay ibabahagi naman ang k i n i t a sa nasabing karera sa Inquirer Newsboy Foundation.

Ang Bandera Racing Festival ay suportado ng Boysen Paints, Unilab, EEG Development Corp., Radyo Inquirer 990 at Bandera Mobile App. HINDI napigilan si June Mar Fajardo sa ikaapat na yugto para buhatin nito ang San Miguel Beermen sa panalo kontra Kia Picanto, 118-112, sa kanilang 2017 PBA Governors’ Cup game Sabado sa Mal l of Asia Arena sa Pasay City.

Ginawa ng reigning three-time Most Valuable Player ang 20 sa kanyang 41 puntos sa huling yugto para tulungan ang Beermen na mapalakas ang tsansa nitong makapasok s a top four matapos umangat sa 6-3 kartada.

Kinapos naman si Fajardo ng dalawang puntos par a matapatan ang kanyang career-high na naitala nito sa pagkatalo sa Alaska Aces noong 2016 Philippine Cup.

Si Terrence Watson ay nagdagdag ng doubledouble sa itinalang 16 puntos at 14 rebounds habang si Chris Ross ay nag-ambag ng 15 puntos, anim na assists at limang steals para sa Beermen, na naghabol sa anim na puntos matapos ang ikatlong yugto.

Na g t a l a naman si Geron Johnson ng 42 puntos, 10 rebounds at walong assists para pamunuan ang Picanto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.