Pari na binihag ng Maute, na-rescue

Bandera - - POLICE BEAT -

KINUMPIRMA ng isang mataas na opisyal ng Navy na nasagip si Father Teresito “Chito” Soganub at isa pang bihag mula sa mga teroristang grupong Maute, Sabado ng gabi.

Sinabi ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem), na nakatanggap siya ng kumpirmasyon mula sa kanyang “ground operators” sa Marawi City.

Idinagdag ni Medina na base sa impormasyon na kanyang natanggap, nagawang makatakas nina Soganub at Lordvin Ocopio, isang guro mula sa Dansalan College, mula sa Maute sa bisinidad ng Bato Mosque sa Marawi City.

Si Soganub ay ang vicar general ng Marawi City.

“The duo revealed (initially to the rescuing troops) that they escaped when their captors had a heavy firefight against the government forces in the said location,” dagdag niya.

“And in the course of fleeing, they were identified by the military and they were brought to a safer place,” ayon pa sa opisyal.

Nauna nang ipinost ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa kanyang Facebook account ang matagumpay na pag-rescue sa Marawi vicar general alas-11 ng gabi noong Sabado malapit sa Bato Mosque.

Dinukot ang pari, kasama ang 10 iba pang nagsisimba noong Mayo 23 matapos lusubin ng mga Maute ang Marawi City

Palasyo tikom na Samantala, tumanggi nang magkomento ang Palasyo sa mga kaganapan sa operasyon ng tropa ng gobyerno laban sa Maute sa Marawi City.

"As per guidance from the Armed Forces of the Philippines (AFP), we refrain from making comments on the latest developments in the main battle area of Marawi at this

time; as ongoing operations may be jeopardized, as well as the lives of the remaining hostages, or soldiers in the frontlines," ani Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

"We will provide information and other pertinent details as soon as conditions on the ground allow us. Thank you for your understanding. We covet your unceasing intercession for the safety of all, and lasting peace in Marawi," dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.