Child abuse vs pulis-Caloocan

Bandera - - POLICE BEAT -

NAIS ni Buhay Rep. Lito Atienza na sampahan ng kasong child abuse ng Department of Social Welfare and Development at Department of Justice ang 13 pulis ng Caloocan na gumamit ng bata sa pagnanakaw.

Sinabi ni Atienza na dapat ding kunin ng DSWD ang menor de edad na siya umanong kumuha ng mga nawawalang gamit sa bahay nang pumasok ang mga pulis.

“We cannot have our very own officers of the law exploiting children, just like Akyat Bahay gangs using kids to break into homes, or drug pushers taking advantage of minors as movers,” ani Atienza. “The DSWD and the DOJ are the lead agencies tasked to enforce the 1992 law protecting children. They should be the ones to file the criminal

charges against the officers involved.”

Sa ilalim ng child abuse law, pinarurusahan ang paggamit ng mga menor de edad sa iligal na gawain.

Ayon sa ulat, pinasok ng mga pulis ang bahay ng 51-anyos na babae sa Sta. Rita, Brgy. Tala noong Setyembre 7 nang walang dalang search warrant.

Nawala umano sa bahay ang pera at mga relo na nagkakahalaga ng P30,000. Wala ring ginawang spot report ang mga pulis nang wala silang nahanap na ipinagbabawal na gamot sa bahay.

Mayroon din umanong paglabag ang mga pulis nang hayaan nila na may dalang baril ang isang civilian informer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.