Testigo vs Sereno naglulutangan

Bandera - - POLICE BEAT -

NADAGDAGAN pa ang mga nais na tumestigo laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang paglabas ng mga testigo ay indikasyon na seryoso ang impeachment complaint na inihain kontra Sereno.

“Padami nang padami ang gustong tumestigo, ang ibig sabihin niyan [baka] maraming kasalanan,” ani Alvarez. “Kung gusto nilang (SC justices) magsalita, wala tayong pipiliin diyan. Malaya silang tumestigo.”

Sinabi sa ulat na mayroong mga hurado na nais tumestigo laban kay Sereno.

Noong nakaraang linggo ay ipinadala ng House committee on justice ang kopya ng reklamo kay Sereno. Siya ay binigyan ng 10 araw para sagutin ang reklamo na napatunayang sufficient in form and substance ng komite.

Tiwala naman si Atty. Carlos Cruz, spokesman ni Sereno, na maibabasura ang kaso.

Hindi umano matutulad si Sereno sa pinalitan niyang si ex-Chief Justice Renato Corona na naalis sa pamamagitan ng impeachment.

Inakusahan si Sereno ng hindi pagdedeklara ng tama sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth at paggawa ng mga hakbang ng walang pahintulot mula sa mga SC en banc.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.