1 todas, 2 kritikal sa kidlat

Bandera - - POLICE BEAT -

PATAY ang mangingisda at sugatan ang dalawang iba pa nang tamaan sila ng kidlat habang namimingwit sa Lapu-Lapu City, Cebu, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Eutiquio Paracuelles, 45, ng Sitio Takan, Brgy. Agus. Naitakbo pa sa ospital ang biktima subalit hindi na naisalba ang kanyang buhay ng mga doktor. Nagtamo siya ng matinding sunog sa katawan.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sina Ramil Layson, 31 at Michael Perolino, 41.

Namimingwit ang tatlo sa dalampasigan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong ang tatlo sa isang cottage sa lugar na tinamaan ng kidlat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.