Menor-de-edad utas sa dengue

Bandera - - POLICE BEAT -

NASAWI ang 14-anyos na batang babae dahil sa dengue sa Daraga, Albay kamakailan

Isang linggong nakaconfine si Kyla Morada Velasco, residente ng Brgy. Binitayan, Daraga, bago ito bawian ng buhay.

Ayon sa Department of Health regional office sa Bicol, si Morada ang ikatlong namatay sa dengue sa naturang lugar ngayong taon.

Samantala, sinabi ng DOH na bumaba ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa nang 32 porsyento ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.