Tulog binoga

Bandera - - POLICE BEAT -

NASAWI ang 44-anyos na lalaki na pinagbabaril habang natutulog sa Quezon City kamakalawa.

Nagtamo si Rodante Reponte, ng Lower Molave, Brgy. Payatas, ng tatlong tama ng bala. Ayon kay Melinda Lorenzo, 50, lumabas siya ng bahay upang bumili ng ulam alas9:30 ng gabi. Iniwan niyang natutulog ang biktima sa kanilang bahay. Pagbalik niya makalipas ang ilang minuto ay patay na ang biktima. Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng hindi batid na kalibre ng baril. Mayroon ding nakuhang sachet na pinaniniwalaang shabu ang laman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.