Amok tinumba

Bandera - - POLICE BEAT -

BINARIL at napatay ng mga pulis ang lalaki

na walang habas na nagpaputok ng baril sa Brgy. La Fuente, Cabanatuan City, Nueva Ecija, kahapon.

Tinangka pang paputukan ni Jayson Navaro ang mga pulis na rumesponde sa tawag ng mga takot na takot na kapitbahay ala-1:30 ng umaga.

Gumanti ang mga otoridad at tinamaan ang suspek sa dibdib.

Namatay siya habang ginagamot sa isang ospital sa siyudad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.