Bizman niratrat

Bandera - - POLICE BEAT -

SUGATAN ang 40anyos na negosyante na pinagbabaril sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Manito Rapada, ng Kakampi st., Brgy. Batasan Hills, sanhi ng limang tama ng bala sa katawan. Naghihintay ng kustomer ang biktima sa San Miguel st., alas10:30 ng gabi ng lapitan ng hindi nakilalang suspek. Bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang biktima at agad na tumakas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.