Sila na nakipaglamay sa sariling burol

Bandera - - TOTOO O KWENTONG BARBERO - Ni Leifbilly Begas

ANG burol ay ang pagkakataon upang huling makita ang isang mahal sa buhay o kakilala bago ito ilibing.

Madalas ay puno ito ng iyakan at nagiging daan upang magkaroon ng get-together ang mga magkakaibigan at magkakamag-anak na matagal nang hindi nagkikita.

Paano kaya kung ang isang tao ay pumunta sa sarili niyang burol. Weird, di ba?

Mayroong mga ganitong nangyari, ayon sa isinulat ni Sam Dunsmore sa ListVerse.

Timothy Dexter

Noong 19th century, nais malaman ng milyonaryong si Timothy Dexter kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya.

Naisip niyang magsagawa ng kanyang burol upang malaman ito. Nagpadala siya ng sulat sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan kaugnay sa kanyang lamay.

Umabot sa 3,000 katao ang pumunta sa burol. Upang maging makatotohanan, may binayaran si Dexter upang magpanggap na pari. Si Dexter ang sumulat ng eulogy.

Matapos magsalita, binuhat na ang kabaong at inilibing sa hardin.

Sinundan ito ng kainan na pinutol ng malakas na sigaw.

Pagbukas ng guest sa service door ay nakita nila si Dexter na binubugbog ang kanyang misis.

Nagalit umano si Dexter dahil kulang umano ang iyak ng kanyang misis sa kanyang burol.

Zeng Jia

Dumalo si Zeng Jia sa burol ng kanyang lolo at doon niya naisip na planuhin ang kanyang sariling burol.

Inimbita niya ang kanyang mga kaibigan at pamilya sa seremonya sa isang funeral home. Bumili siya ng mga bulaklak, nagrenta ng kabaong, at kumuha ng photographer.

Kumuha pa siya ng serbisyo ng isang makeup artist upang magmukha siyang patay. Humiga siya sa kabaong dala ang kanyang paboritong Hello Kitty doll.

Ipinikit ni Zeng ang kanyang mga mata at nakinig sa eulogy ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Sinabi ni Zeng na sa tulong ng kanyang mga narinig ay nalaman niya kung anong klase siyang tao.

Tumagal siya nang isang oras sa kabaong at halos maiyak siya nang marinig ang mga eulogy.

Ayon kay Zeng, ang kanyang karanasan ay nagbigay-daan upang mas lalo niyang pahalagahan ang kanyang sarili.

Zhang Deyang

Walang asawa at anak si Zhang Deyang kaya nagangamba siya kapag siya ay sumakabilang buhay.

Sa kultura ng mga Chinese, naniniwala sila na ang mga sumakabilang buhay ay mayroon ding pangangailangan gaya ng mga buhay.

Ang pamilya ng nanakiramay matay ay inaasahang aayos sa libing ng namatay at regular na dadalaw sa puntod nito.

Natatakot si Zhang na walang mag-alaga sa kanyang puntod kapag siya ay namatay.

Noong 2016, inayos niya ang isang mock funeral at inimbitaang kanyang mga kamag-anak at kaibigan.

Pumunta ang 40 na kanyang mga mahal sa buhay at daang iba pa na nagusyoso sa kanyang pagkamatay.

Mayroon pang naganap na pekeng kasal.ang "patay" dahil sa paniwala na malas ang mamatay ng walang asawa.

Natuwa si Zhang sa kanyang nalaman namg siya ay "sumakabilang buhay."

Dragan at Dragica Maric

Inayos nina Dragan at Dragica Maric ang kanilang premature funeral noong 2016. Walang anak ang mag-asawa kaya nais nila na ayusin na ang kanilng libing bago pa mahuli ang lahat.

Ayaw nila na mayroong mamroblema kapag sila ay pumanaw kaya inayos na nila ito.

Bumili na rin sila ng lapida at nagpadala ng imbitasyon sa kanyang mga kamag-anak para sa kanilang libing. Umabot sa 200 katao ang pumunta.

Nagbigay ng speech si Dragan kaugnay ng kanyang pagmamahalang mag-asawa.

Matapos ang seremonya, nagkaroon ng tradisyunal na post-burial dinner sa isang restaurant. Nagbayad pa sila ng banda at pinainom ang mga sa kanila.

Tagumpay ang burol ng dalawa at naniniwala sila na magiging matahimik ang kanilang pagkamatay sa hinaharap.

Noela Rukundo

Bumalik ang Australian na si Noela Rukundo sa Burundi upang dumalo sa burol ng kanyang stepmother.

Maaga siyang bumalik sa kanyang hotel upang magpahinga. Nagising siya nang tumawag ang kanyang mister na si Balenga Kalala.

Sinabi ni Rukundo na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at sinabihan siya ng mister na lumabas upang makapagpahangin.

Lumabas si Rukundo at nakita ang isang lalaki na naglalakad papunta sa kanya. Naglabas ng baril ang lalaki at itinutok ito sa kanya. Pinasakay siya sa isang kotse kung saan naghihintay ang dalawa pang lalaki.

Dinala siya sa isang gusali at itinali sa upuan. Tinanong siya ng mga ito kung bakit ipinapapatay siya ng kanyang mister. Hindi ito pinaniwalaan ni Rukundo kaya isa sa kanila ang tumawag sa mister.

Nawalan ng malay si Rukundo habang pinagusapan ng tatlo kung paano itatapon ang bangkay.

Makalipas ang dala- wang araw ay pinakawalan siya ng mga lalaki at binigyan ng memory card na naglalaman ng pakikipagusap nila sa kanyang mister.

Ang kanyang mister naman ay pinasabihan na ang kanilang mga kamaganak na namatay si Rukundo sa isang aksidente sa kalsada at iniayos niya ang burol.

Nang matatapos na ang lamay ay nilapitan ni Rukundo ang kanyang mister na gulat na gulat. Humingi ito ng tawad sa kanya.

Ipinakulong niya ang kanyang mister na ang akala na makikipaghiwalay na ito sa kanya.

Nakulong ang mister ng siyam na taon.

TIMOTHY Dexter

ZHANG Deyang Jia

DRAGAN at Dragica Maric

ZENG Jia

NOELA Rukundo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.