Katabaan pwedeng maiipasa sa anak

Bandera - - HEALTH WELLNESS -

OBESE ka ba o sobrang taba?

Alam mo bang maaaring mong maipasa ang iyong katabaan sa iyong anak?

Ang Child obesity ay nasa 35 hanggang 40 porsiyentong posibilidad na namana sa mga magulang, kahit saang bansa man sila naninirahan. Ito ay ayon sa bagong international study sa may 100,000 bata mula sa anim na bansa.

Pinag-aralan ng mga mananaliksik ng University of Sussex sa United Kingdom ang mga bata mula sa U.K., United States, China, Indonesia, Spain at Mexico at nalaman na kapag sobrang taba ang isang bata ay nagiging malaki rin ang kanilang body mass index (BMI) na dumepende sa henetikong pamana mula sa mga magulang.

Ang obesity o sobrang taba ay nangangahulugan ng BMI na higit sa 35. Ang BMI na nasa pagitan ng 18.5 at 25 ay kinukunsidera naman na malusog.

Ang BMI ay kinakalkula sa pamamagitan ng paghahati ng timbang ng isang tao sa kilogram sa pamamagitan ng kanilang tangkad sa meter.

Para sa mga 100,000 bata na pinag-aralan, umaabot sa 35 hanggang 40 porsiyento ng kanilang BMI (ayon sa kanilang pagiging mataba o payat) ay nabatid na namana mula sa kanilang mga magulang, kung saan 20 porsiyento ay mula sa kanilang ina at 20 porsiyento ay mula sa kanilang ama.

Para sa karamihan ng mga sobrang taba na bata, ang bahagi na epekto ng mga magulang ay umakyat sa 55 hanggang 60 porsiyento.

Nadiskbure rin ng mga mananaliksik ang mababang epekto ng magulang sa BMI ng mga payat na bata, kung saan 10 porsiyento ay namana sa ina at 10 porsiyento ay mula sa ama. Mas malapit naman ito sa 30 porsiyento para sa bawat magulang ng matabang bata.

Dagdag pa rito na ang nasabing halimbawa ay nagpatunay ng pagkakaayon nito sa ibang bansa na nagsagawa ng pag-aaral anuman ang kanilang sumusulong na ekonomiya, industriyalisasyon o tipo ng ekonomiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.