Kailan magkaka-boyfriend? (2)

Bandera - - HEART 2 HEART -

Sulat mula kay Ruth ng Poblacion, Tambuling, Zamboanga del Sur Problema:

1. Matagal na akong walang boyfriend, simula ng iniwan ako ng boyfriend kong Hapon. Actually nakapunta na ako ng Japan ang kaso inagaw sa akin ng kapwa din natin Pinoy yong boyfriend ko at imbis na ako ang pakasalan sila ang nagpakasal. Naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung kailan kaya uli ako magkakaboyfriend ng seryoso at pangmatagalan?

2. Noong dati pangarap kong makapagasawa talaga ng foreigner, pero sa ngayon mas prepare ko ang Pinoy. Kailan kaya siya darating at kailan kaya ako makapagaasawa at anu-anong mga zodiac signs ang ka-compatible ko? April 12, 1989 ang birthday ko.

Umaasa, Ruth ng Zamboanga

del Sur

Solusyon/Analysis: Astrology:

Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing ka-compatible mo silang may fire type sign na tulad mo – Leo, Sagittarius at kapwa mo Aries. Ang isang Libra ay ka-compatible mo rin at ang isang Scorpio.

Sinuman sa mga zodiac sign na binanggit ang maging boyfriend mo kacompatible mo siya, kaya naman habang buhay kang masasrapan at liligaya.

Numerology:

Ang birth date mong 12 ay nagsasabing bukod sa nsabsabing mga zodiac sign ka-compatible mo rin silang isinilang sa petsang 6, 15, 24, 9, 178 at 27. Habang tinatayang sa taong ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre may dalawang lalaking darating. Isang kasing edad mo rin at isang medyo matanda sa iyo. Piliin mo ang mas matanda sa iyo, upang habang buhay kang lumigaya.

Graphology:

Upang tuluyang matupad na magkaboyfriend ka ng seryoso at magkaroon ng

isang maligayang pamilya, lagi kang magsuot at gumamit ng paborable mong kulay na pink o kaya ay pula.

Huling payo at paalala:

Ruth ayon sa iyong kapalaran, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, magkakaboyfriend ka na ng totohanan at seryoso, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na A.S. kung saan, ang lalaki na ngang ito ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.