World Pitmasters Cup semifinals magsisimula na

Bandera - - HEART 2 HEART -

ANG tatlong araw na semifinals ng ginaganap na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby ay magsisimula ngayon tampok ang unang grupo ng mga entries na naglaban sa kanilang eliminasyon nitong nakaraang Biyernes na muling maghaharap para sa karapatan na makaabante sa finals.

Ang nagbabalik na sikat na gamefowl breeder na si John Capinpin ay mabilis na nagparamdam matapos na ipanalo ang apat niyang laban gamit ang kanyang dalawang entry na 114 RT JCap 2 at Jcap-Roan kasama si Jun Bacolod.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa, ang 10-araw na labanan ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Mga nakalusot din sa elims ang mga entries na Balete Eco Farm (Boss Emong, Arturo Suarez at Peter Alsosa), BMJSB MAN (Sonny Manalastas at Boy Gamilla), Gegar Gamefarm 1 (Gerry Ramos), Kaliwete BSF (Raffy Zaide), RMJP/SPO2/WWW.Sabongtambayan.net (Rene Maglayo/Jhay Pableo/John Paul Punzalan/Joemar Palomaria/Gilbert Garcia/Alquin Senido/SPO2), G.E. Lavender AE Maria EC (Atty. Gilbert Escoto), March 4, 2018 Gen. Arena Jared & Friends (Honeyboy Perez/Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Jonjon Abalos), Boss Carlo (Mayor Goto at Bokal Cholo), Be My Guest Pasay Oct. 13 5-Stag (Vandolph/ MYC/PS/PZD-JPY), Brick Yard ARL Thor (Art Lopez), Thor Mr. Hyde 2 (DC/NU), San Roque/Aldo (Mayor Goto/Aldo), AA/LA Fantastic Oct. 8/4-Stag (Mayor Amben at Larry Amante), Super Striker/A.A.O.-6 Sept. 30 5-Stag LPC SRA (Gerry Ramos), Sto. Niño (Kelson Troy/Engr. Sonny Lagon), Chicka Babes & Sarsi & Gerry (Dr. Boy Tuazon), J & B Kaingin 1 WC (Jojo Cruz), Paniqui-I April 17, 2018 5-Cock (Alex Roxas) at Blue Blade Nov. 5 Gallera de Manila 110K (Don Ferdinand at Engr. Sonny Lagon).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.