Bucay naka-silver sa 9th ASEAN ParaGames

Bandera - - HEART 2 HEART - Angelito Oredo

PINAG-INIT ni 2012 London Paralympian at 2014 Incheon Asian Games bronze medalist Arthus Bucay ang Team Pilipinas nang handugan nito ng pilak sa men’s cycling kilometer C5 Individual Time Trial sa opening kahapon ng 9th ASEAN ParaGames 2017 sa Velodrome Nasional Malaysia sa Nilai Negeri Sembilan, Malaysia.

Nagtala ang 37-anyos na si Bucay ng 1 oras, 15 minuto at 4.32 segundo sa sorpresa niyang pagsegunda sa Individual Time Trial na karera. Nanguna si Malaysian Zuhaire Bin Amad Tarimzi pa-gold sa 1:09.690 samantalang si Sufyan Saori ng Indonesia ang naka-bronze (1:19.170) sa 11nation, weeklong differentlyabled sportsfest.

“Ilang beses lang kaming nakapag-train sa event na ito dahil dinagdag lang ito nung huli. Buti na lang nakamedalya pa,” pahayag ni national cycling coach Norberto Oconer.

Asinta nang naaksidente sa isang 2013 cycling race para maoperahan at magka-unproportioned legs na si Bucay ang gold ngayong alas-4:30 ng hapon sa 4000m individual pursuit para idagdag sa pilak niya.

Sa table tennis sa Malaysia International Trade and Exhibition Centre (MITEC) Hall 8, pinalupasay nina Billy Smith Cartera at Darwin Salvacion sina Voy Yasal at Ch Parnsamoth ng Cambodia, 3-0, sa men’s TT4 table tennis para makasigurado na ng bronze. —

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.