GMA kapartido na ni Digong

Bandera - - FRONT PAGE -

INAASAHANG magiging bagyo ang binabantayang low pressure area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa advisory, sinabi ng Pagasa na wala pang epekto sa kalupaan ang LPA na nasa layong 940 kilometro sa hilagangsilangan ng Borongan, Eastern Samar.

“However, it is likely to develop into a tropical depression within the next 48 hours,” saad ng advisory.

Ang isa pang LPA na nasa silangan ng Casiguran, Aurora ay inaasahang malulusaw naman ngayong araw. Pero magdadala ito ng maulap na papawirin na magdudulot ng pag-ulan.—Leifbilly Begas INALIS na ni Pangulong Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pagiging lead agency sa kampanya ng gobyerno kontra-droga at inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang trabaho.

"(I)n order to bring order to the operation/campaign against illegal drugs, thus pinpointing precise accountability, I hereby direct, the NBI (National Bureau of Investigation), PNP (Philippine National Police), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Customs, Philippine Postal Office and all other agencies or any and all ad hoc antidrug task force, to leave to the PDEA, as sole agency, the conduct of all campaigns and operations against all those who, directly or indirectly, and in whatever manner or capacity, are involved in or connected with, illegal drugs," sabi ni Duterte sa isang memorandum. NILAYASAN na ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang Lakas-Christian Muslim Democrat at tumalon sa PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Duterte.

“My joining the PDP-Laban is to consolidate support for the President. It is a matter of course as we have been talking about this for quite sometime,” ani Arroyo sa isang statement.

Ang Lakas-CMD ang partido ni Arroyo ng maging pangulo ng bansa noong 2004 presidential elections laban kay Fernando Poe Jr.

Nanumpa si Arroyo kay House Speaker Pantaleon Alvarez kasama sina Bohol Rep. Arthur Yap, dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman, Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo at Atty. Raul Lambino.

Si Arroyo ay sinibak ng liderato ng Kamara de Representantes matapos bilang House deputy speaker matapos na bumoto laban sa Death Penalty bill.

Inaasahan naman na bibigyan ng posisyon si Arroyo ngayong miyembro na siya ng PDP-Laban.—Leifbilly Begas

Idinagdag ng Pangulo na dapat namang tiyakin ng PNP ang police visibility para mapigilan ang operasyon ng droga.

Ginawa ni Duterte ang desisyon sa harap ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng PNP, partikular ang pagpatay sa mga menor-de-edad. —Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.