De Lima ililipat sa ordinaryong selda

Bandera - - FRONT PAGE -

DAPAT umanong ilipat si Sen. Leila de Lima sa ordinaryong kulungan, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa panayam, sinabi ni Alvarez dapat ay alisin si de Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City at "ilipat sa National Bilibid o doon sa ordinaryong selda."

Si de Lima ay nakakulong kaugnay ng bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Ani Alvarez, hindi totoo na nilalabag ang karapatang pantao ni de Lima sa ginawang pag-aresto sa kanya.

“Alam mo pilit nyang binibigyan ng slant iyang ano na 'yan, na violation of human rights. Crime iyon, she is accused of a crime,” aniya.

Ipinababawi ni de Lima sa Korte Suprema ang warrant of arrest na ipinalabas ng Muntinlupa Regional Trial Court na ipinalabas umano bago pa man maresolba ang kanyang inihaing mosyon na ibasura ang kaso.

Ibinasura naman ng Korte Suprema kamakalawa ang mosyon.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.